On the Rohingya Crisis: Namamangka si Duterte sa Dalawang Ilog

On the Rohingya Crisis: Namamangka si Duterte sa Dalawang Ilog

Banggulo ng Tatay Digong nyo talaga, sa totoo lang.

Bumoto ang Pilipinas Pabor sa Myanmar Military sa United Nations

Noong December 2017, kinatigan ng Pilipinas ang Myanmar sa pagboto laban sa kagustuhan ng United Nations na tapusin na ng Myammar military ang kanilang pagtugis sa mga Muslim Rohingya. Tinutulan din ng Pilipinas ang pagkakaroon ng UN special envoy para sa usapin mga Rohingya.

Kasama ang Pilipinas sa 10 bansang hindi pumayag sa UN resolution na ito. Ang iba pang bansang tumutol ay ang China, Cambodia, Vietnam, Belarus, Zimbabwe, Russia, Laos, Myanmar at Syria.

Ang Problema ng mga Muslim Rohingya

Mahigit 650,000 Muslim Rohingya ang tumakas ng Myanmar dahil sa pagtugis sa kanila ng military. Ayon sa Myanmar authorities, ang military campaign ay para puksain ang Rohingya militants na umatake sa police noong August 25, 2017. Ngunit, ayon sa United Nations, ang karahasan laban sa mga Rohingya ay isang uri ng ethnic cleansing.

Kinontra ng Pilipinas ang UN resolution sa Pagpapalawak ng Mandato ng Special Rapporteur sa Myanmar

Noong March 2018, ang Pilipinas, kasama ang Venezuela, Cuba, China, at Burundi, ay hindi sumang-ayon sa UN resolution sa pag-extend ng mandato ng Special Rapporteur sa Myanmar ng isa pang taon at ang pagkumbinsi na pabayaang bumalik ang mga nagsilisang Muslim Rohingya sa kanilang lugar nang ligtas.

Ang pagtutol ng Pilipinas sa UN resolution ay hindi nangangahulugang kinukunsinte nito ang karahasan sa Myanmar. Ngunit, hindi nito sinusuportahan ang isang fact-finding mission dahil ito’y nangangahulugang hindi credible at independent ang domestic investigative processes.

Tatanggap ang Pilipinas ng mga Muslim Rohingya Refugees

Ayon kay Duterte, isang “genocide” ang nangyayari sa Myanmar at payag syang tumanggap ng mga Rohingya refugees.

Sinabi ni Duterte kasi na “Hindi nga nila ma-solve-solve ‘yung (Rohingya).‘Yun ang genocide talaga (They can’t even solve the Rohingya problem. That’s the real genocide), if I may say so.”

Dahil dito, mabilis syang napagsalitaan ni Myanmar government spokesman Zaw Htay. Ayon sa spokesman, “He doesn’t know anything about Myanmar. The usual behavior of that person is to speak without restraint. That’s why he said that.”

Matatandaang noong January lamang, sa isang speech kaharap ang mga Indian business groups, ay sinabihan nya si Aung San Suu Kyi ng Myanmar na “Do not mind the human rights (critics). They’re just a noisy bunch actually.”

Dagdag pa ni Duterte, “You know, Aung San Suu Kyi was with us. I pity her because she seems to be caught in the middle of being a Nobel Prize winner for peace and this is the ruckus now. She is heavily criticized.”

Ang totoo, walang maliwanag na foreign policy si Duterte. Pag ganyan, nawawalan na sya ng kredibilidad. Kunsabagay, matagal na syang walang kredibilidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *