Risa to Sara: Utak Mo Nasa Pwet!

Risa to Sara: Utak Mo Nasa Pwet!

Hanapin sa inidoro! Baka na-flush na!

Senator Risa Sumagot sa Pang-iinsulto ni Inday Sara

Sinagot ni Senator Risa Hontiveros ang pang-iinsulto ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio dahil sa panawagan ng una na mag-resign na si Public Attorney’s Office Chief Persida Acosta.

Matatandaang nanawagan si Senator Risa ng pagbibitiw ni Acosta dahil sa measles outbreak. Nanakot at nagsagawa ng politically-motivated investigations si Acosta sa Dengvaxia.

Ayon kay Inday Sara, dapat si Senator Risa ang mag-resign.

Di naman natinag si Risa sa mga patutsada ni Sara. Bagkus, nagpasalamat pa nga sya dahil sa pagbibigay diin sa mga nagawa ng senadora para sa demokrasya at human rights.

Isang validation ang pag-atake ni Mayor Duterte-Carpio sa mga posisyon ni Hontiveros sa mga importanteng isyu.

Ang bawat insulto ni Sara ay isang kompirmasyon kung gaano kaepektibo si Risa at ang kanyang opisina sa pagsusulong ng demokrasya.

“Sa bawat banat niya, nalalaman natin na tama ang ating ginagawa.”

Ang panawagan sa pagbibitiw ni Acosta ay parte ng solusyon. Kailangang mawala sya para matanggal ang fear-mongering, pseudo-science at mga kasinungalingang tungkol sa usapin ng Dengvaxia.

Kailangan ng isang impartial na imbestigasyon sa isyu. Kailangang matigil ang mga ispekulasyon na politicized ang Dengvaxia issue. Kailangang maiwasan ang pagkakaroon ng takot at panic sa publiko.

Nagulat si Senator Risa sa pagiging galit ni Sara sa kanyang panawagan dahil alam nating ayaw ng huli sa incompetence.

Maliwanag ang pagsusulong ni Senator Risa ng mga mabubuting batas gaya ng mga sumusunod:

  • Mental Health Law
  • Expanded Maternity Leave Law
  • Strengthened Anti-Hospital Deposit Law
  • Safe Streets and Public Spaces Act
  • Philippine HIV and AIDS Policy Law
  • First 1000 Days Law
  • Positive Discipline Act

Maganda ang legislative track record ni Senator Risa. Marami syang solusyon sa mga problema ng bansa.

Pero, patuloy pa rin sya pagtuligsa at pagtawag ng pananagutan ng gobyerno sa mga mali nitong ginawa. Patuloy din ang pagdepensa ng senador para sa demokrasya.

Ngayon, karapatdapat lamang na hanapin ni Inday Sara ang utak nyang nasa pwet na na-flush sa toilet bowl kaninang umaga.

 

 

Source:

Corrales, N. (2019, February 12). Hontiveros hits back at Sara: I’m not the one with my head in my ass.

Retrieved from Inquirer: https://newsinfo.inquirer.net/1084581/hontiveros-hits-back-at-sara-im-not-the-one-with-my-head-in-my-ass

Leave a Reply

Your email address will not be published.