Rene Saguisag: Solgen Di Dapat Tuta ni Duterte

rene saguisag solgen tuta

Ang Solicitor General ay dapat tapagtanggol ng taumbayan, ayon kay Rene Saguisag.

SolGen kinastigo ni dating Senador Rene Saguisag

Kinuwestyon ng mga abugado ng oposisyon ang Office of the Solicitor General (SolGen) dahil kinakatawan nito ang pulis sa reklamong sedition na nakabinbin sa Department of Justice (DOJ).

Ibig ng mga abugado na liwanagin kung ano ang awtorisasyon ng OSG para katawanin ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa pasimula ng imbestigasyon laban kay Vice President Leni Robredo at iba pa.

RELATED: Bakit Ayaw Imbestigahan ni Gordon si Calida?

Matatandaang kinuwestyon din ang ulat na isang empleyado sa OSG ang sumulat ng sworn statement in Peter Joemel Advincula, aka Bikoy, na isang testigo para sa mga pulis.

Kinuwestyon ni Arno Sanidad ng Free Legal Assistance Group (FLAG) na abugado nina Erin Tañada at Chel Diokno ang awtoridad ng OSG na katawanin ang CIDG sa preliminary investigation ng DOJ.

Ayon kay Assistant Solicitor General Angelita Miranda, ang OSG ay tagapagtanggol ng mga mamamayan kaya kinakatawan nila ang CIDG.

Sinang-ayunan din ni dating Senador Rene Saguisag, abugado ni Senator Risa Hontiveros, ang mosyon ni Sanidad. Ayon sa kanya, ang OSG ay dapat tagapagtanggol ng sambayanan at hindi tuta ng administrasyon.

Sumang-ayon din ang mga abugado ni Senator Leila de Lima at ni dating Solicitor General Florin Hilbay sa mosyon ni Sanidad.

Binigyan naman ng limang araw ang oposisyon na magsumite ng karapatdapat na mosyon at limang araw din ang ibinigay sa OSG para sagutin ito. Pagkatapos, reresolbahin ng DOJ ang usapin.

Ayon naman sa OSG, may karapatan ang ahensya ng gobyerno na katawanin ang Pilipinas o ang mga tao rito sa anumang korte kung sa kanilang palagay ay makakaapekto ito sa kapakanan ng taumbayan.

Ayon naman kay Hilbay na naging SolGen mula 2014 hanggang 2016, hindi sila naging parte ng anumang preliminary investigations sa DOJ dahil limitado lamang sa apela ang kapangyarihan ng OSG sa mga kasong kriminal.

Sa panayam sa mga reporters, sinabi nyang mawawala ang independence ng OSG kung nakikialam na ito sa imbestigasyon pa lamang.

RELATED: Ano na ba ang Nangyayari sa mga Isyu kay SolGen Calida?

Sa Presidential Decree No. 478, sinasabi doon na ang OSG ay mayroong kapangyarihan na katawanin ang gobyerno sa Supreme Court (SC) at sa Court of Appeals (CA) sa lahat ng kasong kriminal. May kapangyarihan din itong katawanin ang gobyerno sa lahat ng korte sa mga kasong sibil at iba pang espesyal na kaso.

Ayon kay Saguisag, hindi dapat maging tagapanggol ng administrasyon ang OSG para patahimikin ang mga kritiko ng gobyerno.

Maliwanag naman ang sinasabi ng PD 478 tungkol sa responsibilidad ng OSG. Gaya ng sabi ni Rene Saguisag, tagapagtanggol ng taumbayan. Hindi tuta ni Duterte.

 

Source:

Lagrimas, N.-A. C. (2019, August 9). SolGen should be tribune of people, not tuta of Duterte admin —Saguisag. Retrieved from GMA News: SolGen should be tribune of people, not tuta of Duterte admin —Saguisag