Referee ang Senado sa Bangayan ng NFA at NFA Council!

Gumaganda ang episode na ‘to ng Duterteserye, promise!

Binusalan na si NFA Chief Jason Aquino

Dahil sa misleading claim ni Jason Aquino sa Senado kamakailan, napagdesisyunan ng mga Cabinet members na wag ng pagsalitain si NFA Chief Jason Aquino tungkol sa problema ng bigas sa bansa. Nais na lamang ni Duterte na ang National Food Authority Council ang magpalabas ng mga opisyal na pahayag.

Ayon kay Harry Roque, nag-cause ng panic sa taumbayan ang mga pahayag ni Aquino tungkol sa supply ng bigas. Wala raw rice shortage dahil yung sinasabing 1.5 days ay kung ang NFA na lamang ang supplier ng bigas sa Pilipinas. Hindi naman daw totoo dahil marami pang suppliers ng bigas na may mga sariling stock.

Ayon kay Cabinet Secretary and NFA Council Chair Leoncio Evasco Jr, maliit na porsyento lamang ang hawak na supply ng NFA. Mas marami ang sa commercial traders. May namumuong sigalot kasi sa pagitan ni Evasco at Aquino. Sinasabing close si Aquino kay Bong Go. Ayaw ipatupad ni Aquino ang utos ng NFA Council tungkol sa import permits ng mga private rice traders. Kaya, gustong ipasibak ni Evasco si Aquino.

Ang tanong: Masisibak kaya si Jason Aquino kung close sya kay Bong Go?

Mag-resign na lang daw si NFA Chief Jason Aquino

Sabi ni Senator Cynthia Villar, hindi naipatupad ng NFA ang mandato nitong bumili ng palay sa mga magsasaka sa halagang 17 pesos per kilo. Hindi rin nito naipatupad ang pagbebenta ng bigas sa mga mahihirap sa halagang 27-32 pesos per kilo. Ganun din, nagkaroon ng panic dahil sa announcement ng NFA ng kanilang failures.

Sabi ni Villar sa ANC Headstart, “Sabi ng Palace, those who cannot perform their job, ‘wag niyo nang hintaying tanggalin kayo ni Presidente; mag-resign na kayo…I don’t want to be blunt but if you cannot do the job then resign and let others do the job.”

Dagdag pa ni Villar, “’Wag mo sabihin sa akin that you cannot do the job. You’re supposed to do the job at all costs because that’s your mandate.”

Ang tanong: Magre-resign kaya si Jason Aquino kung close sya kay Bong Go?

Ano ba ang Problema tungkol sa NFA Rice?

Doon sa Senate Inquiry kamakailan, sinabi ni NFA Chief Jason Aquino na ang pagkukulang sa supply ng bigas ay dahil sa mababang presyo ng pagbili ng rehimeng Duterte ng palay mula sa local farmers, at ang hindi pag-iimport ng bigas para mapunuan ang kakulangan sa bigas.

Ayon kay Aquino, mas pinipili ng mga local farmers na magbenta sa mga middle men sa mas mataas na halaga dahil binibili lamang ng rehimeng Duterte ang palay sa halagang 17 pesos. Gayun din, patuloy na pinagpapaliban ng NFA Council ang pag-import ng bigas dahil sa wala itong nakikitang kadahilanan para rito.

Pinahintulutan ng NFA Council ang pag-import ng bigas sa Hunyo dahil harvest season from March to May. Magkakaroon daw ng oversupply ng bigas na syang makakaapekto sa presyo ng bigas.

Ano ang mga Solusyon na Minumungkahi ng Senado?

Una, ang pagtataas ng pagbili ng palay sa mga local farmers from 17 pesos to 18 pesos.

Pangalawa, ang pagbebenta ng mga nasabat na smuggled rice sa mas mababang halaga.

Pangatlo, ang pagsasabatas ng tariff sa imported rice.

Hindi mawala sa isipan ko na malalim na ang sigalot sa NFA kaya kelangang mamagitan na ang Senado. Parang referee ang Senado sa dalawang nag-aaway na bata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *