“Red Monday” ni Midas Marquez parang Finger-prick Test for Diabetes Lang

“Red Monday” ni Midas Marquez parang Finger-prick Test for Diabetes Lang

So, nalaman na po ba kung diabetic talaga ang mga nagsusulong ng pagre-resign ni CJ Sereno?

“Red Monday” at the Supreme Court for the 3rd Straight Week

Sa pangunguna ni Supreme Court Administrator Midas Marquez, patuloy pa rin ang pagsusuot ng  pula ng mga mahistrado, opisyales, at empleyado ng Supreme Court para sapilitang pagbitiwin si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa pwesto.

Nito ngang Lunes, nagsuot ang mga empleyado ng red shirts na may print na “OneSupremeCourt #ParaSaHudikatura #SulongKorteSuprema #SupportJustices&CourtAd.”

Nakapula rin ang mga nag-oath taking na bagong halal na opisyal ng Supreme Court Employees Multi-Purpose Cooperative.

Nalinlang ang mga Empleyado ng Korte sa Mandaue sa Pagsali sa Red Monday

Ung mga empleyado ng Mandaue City Hall of Justice ay nagulat na lamang na ang pagsusuot pala ng pula ay para ipanawagan ang pagbibitiw ni CJ Sereno. Ayon sa empleyado, “We were surprised with what we saw. We didn’t know wearing red was meant to call for the ouster of the chief justice. We were deceived.”

Ipinakita pa nga ng isang empleyado doon ang natanggap na text message na nagsasabing, “Let’s all wear RED tomorrow, Monday and attend the flag raising ceremony as a sign of unity in the Supreme Court. Pls pass. #onesupremecourt #parasajudiciary #parasahudikatura.”

Nagsuot ng Regular Uniforms ang mga Empleyado ng Korte sa Cebu City

Isang private message ang umikot sa Facebook para sa mga myembro ng Philippine Association of Court Employees (PACE) na nagsasaad, “We should all wear our uniforms today. We’re public servants, not puppets. We all love our institution and what it stands for. Stop this divisiveness. We only got one country and we love its people, our countrymen.”

Ayon kay Judge Ramon Daomilas Jr., “Everyone, including the chief justice, is entitled to a day in court. (Since there’s an impeachment complaint filed against her), let the process proceed.”

Dagdag pa nya, “The judiciary is not a political institution. We should be spared from it.”

Nais ng Negros Occidental Regional Trial Court Association na Mapanaig ang 1987 Constitution at ang Rule of Law

Ayon sa mga Hukom sa Negros Occidental, “We do not wish to be part of the issues besetting the Supreme Court and its personnel as our priority is to keep the courts open and to serve our people.”

Dagdag pa ng Negros Occidental Regional Trial Court Association, “We are not politicians. We do not have the luxury of publicly expressing our sentiments, unless prompted by the situation. This is one of those times that our voices need to be heard.”

Hindi Sasali ang mga Empleyado ng Korte sa Eastern Visayas sa Pagsuporta sa Pagre-Resign ni CJ Sereno

Ayon sa Presidente ng Philippine Association of Court Employees sa Eastern Visayas na si Archie Sumalindao, “There’s no call or pressure from our national [officials] regarding this issue concerning our Chief Justice. Here in our level, we are just on a wait and see.”

Na-Pressure Lamang ang mga Grupo sa Hudikatura para Ipanawagan ang Pagre-Resign ni CJ Sereno

Ayon sa report, tatlong matataas ang katungkulan sa Supreme Court ang nag-pressure sa Regional Trial Court Judges Association, sa Philippine Judges Association, at sa mga union sa Supreme Court para suportahan ang panawagang mag-resign na lamang si CJ Sereno.

Hindi naman pumayag ang mga myembro ng Metropolitan Trial Court Judges Association of the Philippines na suportahan ang ganitong panawagan sa pagbibitiw ni CJ Sereno. Kinuwestyon din ng Regional Trial Court Judges Association ang manifesto na isinulong ng Philippine Judges Association.

Ilan ba talaga ang Sumusuporta sa Panawagang Pagbitiwin si CJ Sereno sa Pwesto?

Source: Stand with CJ Facebook Page

Marami pa rin namang mga hukom, opisyales, at mga empleyado ng hudikatura ang nasa wastong pag-iisip. Hindi makakabuti para sa sangay na ito ng pamahalaan ang makisawsaw pa sa finger-prick test na pautot ni Midas Marquez.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *