Pumipiyok na ang mga Nasasagasaan ng “Ang Probinsyano”

Pumipiyok na ang mga Nasasagasaan ng “Ang Probinsyano”

Relaks lang kayo. Fiction lang yan. Fiction!

Lacson at Albayalde, Pinatulan ang Kathang-Isip

Umangal na si PNP Chief Director General Oscar Albayalde sa itinatakbo ng istorya ng “Ang Probinsyano.”

Sa panayam sa media, sinabi nitong, di malawakan ang korapsyon sa pulisya.

Di patas ang pagpapakita na parang pati ang PNP Chief ay masama. Di raw naman siguro mangyayari yon.

Ganun din, “very disturbing” ang pagpapakita na wala nang kinikilalang batas.

Nagpalabas ang ABS-CBN ng kanilang statement tungkol sa mga komento ni Albayalde.

Ayon sa TV station, purely fiction lamang ang “Ang Probinsyano.” Maliwanag naman ang disclaimer na ipinapalabas sa simula ng palabas kada gabi.

Umeksena rin si Senator Ping Lacson na dati rin namang PNP Chief.

Paglabag daw sa batas ang paggamit ng police uniforms sa “Ang Probinsyano.”

Ganun din, marami rin daw nagawang mabubuti ang PNP. Unfair ang pagpapalabas ng “Ang Probinsyano.”

Masyado naman kayong nagiging sensitive. Malinaw naman sa mga nanonood ng kathang-isip lamang ang “Ang Probinsyano” ah.

 

 

Sources:

ABS-CBN News. (2018, November 14). PNP chief raises concern over portrayal of police corruption in ‘Ang Probinsyano’.

Retrieved from ABS-CBN News: https://news.abs-cbn.com/entertainment/11/14/18/pnp-chief-raises-concern-over-portrayal-of-police-corruption-in-ang-probinsyano

Gonzales, C. (2018, November 15). Lacson: Ang Probinsyano’s negative portrayal of cops ‘unfair’.

Retrieved from Inquirer: https://newsinfo.inquirer.net/1053882/lacson-ang-probinsyanos-negative-portrayal-of-cops-unfair

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *