Pilipinas, Pasok sa Listahan ng UN ng Nananakot sa mga Human Rights Defenders

Pilipinas, Pasok sa Listahan ng UN ng Nananakot sa mga Human Rights Defenders

Congratulations, Duterte!

“Shameful Practice” – UN

Kasama ang Pilipinas sa listahan ng UN ng mga bansang gumaganti at nananakot sa mga human rights defenders at activities.

Nakadetalye sa report ni UN Secretary-General Antonio Guterres ang mga alegasyon ng pagpatay, torture, pag-aresto, pagkulong, pagmamanman at pagtratong kriminal ng mga human rights defenders sa 38 bansa.

Ayon kay UN Assistant Secretary-General for Human Rights Andrew Gilmour, dokumentado ang mga kaso sa report.

Nakikita rin ng UN ang pagdami ng mga paraang administratibo, politikal, at legal na ginagamit para patahimikin ang civil society.

Patuloy namang itinatatwa ng rehimeng Duterte na may problema sa human rights situation sa bansa. Di raw politically motivated ang mga ito. O di kaya naman, nakikialam ang UN sa domestic affairs ng Pilipinas.

Ayon sa report, “defamatory at intimidating” ang mga salitang binitiwan ng rehimeng Duterte laban sa Commission on Human Rights at sa Chairperson nitong si Chito Gascon.

Ganun din, may mga pagbabanta ang mga kaalyado ni Duterte sa House of Representatives na 1,000 lamang ang ibibigay na budget sa ahensya.

Binanggit din sa report ang pagkakulong ni Senator Leila dahil sa bogus drug-related case.

Sinabi rin sa UN report ang petisyon ng rehimeng Duterte na i-tag ang higit sa 600 people na terorista sa ilalim ng Human Security Act of 2007.

Higit sa 80 kilalang human rights defenders, representatives ng indigenous peoples, at representatives ng community-based organizations ang nasa listahan ni Duterte na “terorista”.

Marami sa mga Pilipino na nasa listahan ay mga partners pa ng UN.

Nakakahiya na ang rehimeng Duterte. Kunsabagay, di alam ni Digong ang human rights dahil sya ay isang DIKTADOR!

 

 

Source:

Cabico, G. (2018, September 13). Philippines in UN list of countries that retaliate vs rights defenders.

Retrieved from The Philippine Star: https://www.philstar.com/headlines/2018/09/13/1851198/philippines-un-list-countries-retaliate-vs-rights-defenders