PILIPINAS PANG-APAT SA PINAKAMAPANGANIB NA BANSA SA BUONG MUNDO

Ayon sa report ng Armed Conflict Location & Event Data Project (Acled), pang-apat ang Pilipinas sa pinakamapanganib na bansa dahil sa war on drugs ni Duterte.

Acled report: War on drugs naglagay sa Pilipinas sa pang-apat sa pinakamapanganib na bansa

Bansa

Bilang ng Insidente na Target ang Indibidwal

India

1,385

Syria

1,160

Yemen

500

Philippines

345

Sinsuportahan ng report ang sinabi ni UN High Commissioner for Human Rights Michelle Bachelet na nakakapag-alala ang mga nangyayaring pang-abuso sa karapatang pantao sa Pilipinas at ang mataas na bilang ng namamatay dahil sa kampanya laban sa droga.

Noong Lunes, inakusahan ng Amnesty International si Duterte na nagpapatupad ng malawakang pagpatay at dapat na itong imbestigahan ng UN dahil sa crimes against humanity.

Simula July 2016, 5,425 katao na ang kumpirmadong patay sa operasyon ng gobyerno kontra droga. Ayon kay Bachelet, ito ang pinakaseryosong alalahanin ng kahit anong bansa.

Ang report ng Acled ay consistent sa napag-alaman ng Human Rights Watch at sinasang-ayunan ang pangangailangang umaksyon na ang international community.

Ayon sa istatistika, higit sa 450 kaso ang direkta at marahas na pag-atake sa indibidwal na nagdulot ng 490 kamatayan simula noong January 2019. Ang target na mga rehiyon ay ang Metro Manila, CALABARZON at Central Luzon.

Source: The Guardian

Kinontra naman ni Political Officer Kristine Salle ng Philippine embassy sa London ang Acled report. Ayon sa kanya, unfair ang paglalagay sa pang-apat sa pinakamapanganib na bansa ang Pilipinas. Hindi rin ito tama dahil mas marami pang mas mapanganib na lugar sa buong mundo.

Iminumungkahi ng istatistika na ang istratehiya ni Duterte ay posibleng di naman dapat sisihin sa kabuuan. 60% ng mga nangyaring pag-atake sa indibidwal ay kagagawan ng gobyerno, ngunit 27% naman ay ipinatupad ng mga di kilalang armadong grupo. Samantala, 8% ng karahasan ay dulot naman ng mga vigilante.

Ngunit, nagiging pamana na ni Duterte ang paggamit ng karahasan sa kanyang laban kontra droga. Matatandaang inamin rin naman ng Pangulo na ang tanging kasalanan nya ay ang EJKs na nagpapatuloy simula noong maupo sya sa pwesto noong 2016.

RELATED: DUTERTE AMINADONG MAHIHIRAP LAMANG ANG NAPATAY SA KANYANG DRUG WAR

Ang lakas ng gobyerno ang syang pangunahing salarin sa sinasabing karahasan sa mga indibidwal dahil sa war on drugs. Higit sa 360 sibilyan ang namatay ngayong 2019 at 75% sa mga pangyayari ay kagagawan ng estado.

Ang pagpatay sa 90 na mga dati at kasalukuyang opisyal ng gobyerno ang bumubuo sa 18% ng mga naitalang namatay ngayong taon. Ang mga di kilalang armadong grupo ang sinasabing pumatay sa kanila dahil sa away sa politika.

20 sa mga opisyal na napatay ay sinasabing mga drug suspects. Kapansin-pansin din ang pagdami ng atake sa mga myembro ng partidong politikal, mga leftist organizations, mga land activists, mga magsasaka, mga abugado, at mga hukom noong halalan noong Mayo.

Ang pagpatay sa konteksto ng drug war ang syang tuma-target sa urban poor na itinuturing na pinakamahina at pinakawalang boses na mga myembro ng komunidad.

Ayon kay Salle, ang opisyal na istatistika sa laban kontra droga simula noong July 2016 hanggang April 2019 ay nagpapakita ng 129,500 operasyon kontra droga na nagresulta ng 1.3M pagsamsam ng droga, 185,401 inaresto, at 5,425 napatay.

Ayon sa kanya, seryoso ang rehimeng Duterte na siguraduhing walang pag-abuso at paglabag sa karapatang pantao ang PNP.

Mga inarestong kawani ng gobyerno:

Government employees

305

Elected Officials

274

Uniformed personnel

75

Ang lahat ng pag-aresto ay iniimbestigahan.

Ayon pa kay Salle, sa kaso ng mga pagpatay sa suspects:

  • 3,619 kaso ang inirekomenda na para sa disciplinary proceedings hearings
  • 352 kaso ang kasalukuyang nasa pre-charge investigation
  • 588 kaso ang sarado na dahil sa naresolba na

Ganun din, inireport ng PNP ng 14,724 reklamo ng misconduct na ang naisampa laban sa mga opisyal at tauhan ng PNP.

Binigyang diin din ni Salle na ang kampanya laban sa droga ang nagpabuti sa peace at stability ng Pilipinas. Nabawasan nang 30% ang krimen simula nang maupo si Duterte bilang Pangulo. Naging mas ligtas ang mga daan at komunidad.

Para mapabuti ang transparency, naglalabas ng report ang gobyerno sa social media na gamit ang hashtag #RealNumbersPH.

RELATED:Kung Laganap pa rin ang Shabu Kahit May War On Drugs, Palpak si Duterte

Mahaba ang tradisyon ng karapatang pantao ng Pilipinas at ito ay signatory sa walang core human rights treaties. Kaya may commitment ang bansa na irespeto, protektahan, at tuparin ang anumang obligasyon nito sa mga human rights treaties.

Ayon pa rin kay Salle, ang kampanya laban sa droga ay nagbibigay din ng prayoraridad para sa community health services na may $120M na pondo para sa pagpigil, edukasyon, maagang pagtukoy, pakikialam, at boluntaryong pagpapagamot at rehabilitasyon.

Himutok ni Salle na hindi ito napapansin ng media na ang tanging pokus lamang ang mga sensational na kaso at ang aspeto ng law enforcement.

One death too many. Ang buhay ng tao ay mahalaga. Importante na protektahan ng rehimeng Duterte ang buhay ng lahat ng Pilipino. Ngunit, kung nagiging mapanganib na ang bansa sa mata ng buong mundo, dapat nang umaksyon ang gobyerno para tuparin ang responsibilidad nito.

 

Source:

Austin, R. (2019, July 9). “War on drugs” makes Philippines fourth most dangerous country – report. Retrieved from The Guardian: “War on drugs” makes Philippines fourth most dangerous country – report