Pangakong Napako: End ENDO

Bumoto. Umasa. Nganga. Di raw kaya ni Tatay Digong nyo na wakasan ang ENDO pala.

Kamakailan lamang nagkaroon ng piket ang pederasyon ng mga grupo ng manggagawa (NAGKAISA) sa iba’t ibang opisina ng Department of Labor and Employment (DOLE) para ipanawagan na ipatupad ang pangakong pagpapatigil ng ENDO na syang nakagawian na ng mga employers. Marami ang naniwalang kayang gawin ni Duterte yan pero hanggang ngayon, nganga pa rin!

Ayon kay Dennis Derige ng Partidong Manggagawa (PM), maganda yung Department Order 74 ng DOLE pero hindi iyon naipatupad nang maayos.

Kulang ang Convincing Powers ni Duterte

Ang tapang tapang mangako ni Duterte noong kampanya. Sya lang ang may kayang magwakas ng ENDO sa bansa. Pero, anong petsa na? Magdadalawang taon na syang Pangulo pero ang mga manggagawa nakanganga pa rin sa pangarap nilang jackpot.

Sabi nga nya kamakailan, “Don’t make it hard for them to run the business the way they like it because that’s their money. So something of a compromise must be … maybe acceptable to everybody.” Biglang kabig, ano po?

House Bill 6908: Pasado Na

Mabuti pa sa House of Representatives, kasado na ang House Bill 6908 na syang magpapalakas ng security of tenure ng mga empleyado sa pribadong sector. Pinagbabawalan nito ang ENDO at “labor-only contracting.” Hindi man nito tuluyang nasosolusyunan ang kontraktwalisasyon sa bansa, ang HB 6908 ay isang pasimula para sa pagsasaayos ng estado ng ating mga manggagawa.

Pero syempre, tinututulan ito ng mga grupo ng employers. Ganun din, hinihintay pa ang sagot ng Senado sa HB 6908. Hindi ito uusad hangga’t walang bersyon ang Senado at hindi napagtutugma ang bersyon ng Kamara at bersyon ng Senado. At higit sa lahat, hindi ito magiging batas kung hindi mapipirmahan ni Duterte.

Kung tiklop si Duterte sa mga negosyante ngayon pa lang, ano ang aasahan ng mga manggagawa sa katuparan ng pangakong pagpapatanggal ng ENDO? To think na binabandera ni Digong, na pro-poor sya noong kampanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *