Pangako ni Duterte sa mga OFWs: Papogi ng Di Naman Pogi

Dramarama lang. Ang Pilipinas ay hindi isang Duterteserye.

OA naman masyado ang reaction ni Tatay Digong. Total ban agad agad. With matching, “Can I ask you now just to treat my countrymen as human beings with dignity? I do not want to fight with you. We need your help to improve our country.” Palakpakan naman ang fans club. Box office hit na naman ang dialogue. Totoo nga bang may pakialam si Digong sa mga OFW?

At least kalahati ng mga OFWs ay nasa Middle East at ang mga remittances nila ang isa sa mga tumutulong para maging maunlad ang ating ekonomiya. Ang Pilipinas ang pangatlo sa China at India sa pinakamaraming natatanggap na remittances sa buong mundo.

Pero, marami sa mga pangako ni Digong ay mga populist promises lamang. Papogi lang. Inuuto ang mga gustong magpauto.

Katulad na lang nung pautot na total ban sa Kuwait na nagdulot ng kaguluhan dahil hindi binigyan ng clearance ang mga OFWs ng POEA. Binigyan ng rehimeng Duterte ng 15,000 pesos ang bawat uuwing OFW. Hanggang saan aabot ang 15,000 pesos na yan? Masyadong maliit yan kumpara sa tinatanggap ng mga OFWs na sahod sa Kuwait.

Sabi nga ng Human Rights Watch, imbes na pigilan ang deployment sa Kuwait, dapat makipagtulungan ang rehimeng Duterte para protektahan ang mga OFWs. Kailangang pagtuunan ng pansin ang pagsasaayos ng kafala system, kung saan kelangan na magkaroon ng sponsor ang OFW na magiging responsable sa visa at legal status.

Yang kafala system kasi ay nagbabawal ng pagpapalit o paglisan ng OFW sa kanyang sponsor ng walang pahintulot. Nagkakaroon ng kapangyarihan ang Kuwaiti employer na gipitin at abusuhin ang OFW sa ilalim ng kafala system.

Ilang beses na bang napatunayan na ang pagba-ban ng deployment ay hindi nagiging hadlang para pumunta ang isang OFW sa bansang may deployment ban? Natural lamang na magpumilit na magtrabaho ang isang OFW sa ibang bansa, with or without the ban, dahil sa mas importante na masolusyunan ang kumakalam na sikmura ng pamilya.

Grandstanding lang si Duterte, sabi nga ni Rex Varona ng Migrant Forum for Asia. Ang kneejerk reaction ni Duterte sa problema sa Kuwait ay nagpapatunay lamang na tamad sya. Imbes na humanap ng pangmatagalang solusyon, mas pinili na lamang ang pagbabawal ng pagpapadala ng OFWs sa Kuwait.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *