PANELO MALI ANG TSISMIS TUNGKOL KAY MINA CHANG

Ano na naman ang pumasok sa kukote ni Panelo para magsabi nang mali? Hindi naman magiging US Ambassador ng Pilipinas si Mina Chang!

US itinangging magiging susunod na ambassador ng Pilipinas si Mina Chang

Itinanggi ng Estados Unidos na si Mina Chang ang nahirang na susunod na ambassador sa Pilipinas. Ayon sa US Embassy, nakita nila ang balita at hindi ito totoo.

RELATED: US: Wala Kaming Pake Kung Maayos Ang Relasyon ng Pilipinas at China!

Ayon din sa kanila, inanunsyo na ng White House noong September 2018 na gusto ni Trump na maging assistant administratior ng US Agency for International Development (USAID) sa Bureau of Asia si Mina Chang. Nasa Senate foreign relations committee na ang nominasyon noong January 2019.

Wala namang karagdagang anunsyo ang White House hinggil sa nominasyon ni Chang na syang kasalukuhang deputy assistant secretary ng Bureau of Conflict and Stabilization Operations ng US State Department.

Matatandaang pinalutang ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang pangalan ni Chang noong Martes bilang susunod na US ambassador ng Pilipinas.

RELATED: Panelo Halatang Di Nagbabasa ng Bible!

Exciting times pa nga ang sinabi ni Panelo hinggil sa appointment ni Chang na sinabi nyang maganda, golfer, at Harvard graduate pa. Pero, sinabi rin nyang di nya alam kung totoo ang balita.

Sunog si Panelo. Di naman pala totoo ang balita pero pinagsabi pa rin. Di man lang bineripika muna sa US Embassy eh isang tawag lang nya dun masasagot na sya. Purveyor of fake news si Panelo!

Source:

Esmaquel II, P. (2019, July 10). U.S. denies Mina Chang is next ambassador to Philippines. Retrieved from Rappler: U.S. denies Mina Chang is next ambassador to Philippines