Pakapalan na Lamang ba ng Mukha sa SC Ngayon?

Sabi ni Senator Sonny Trillanes, “Grabe naman, kakapal ng mukha na ‘yan.”

Patuloy ang Protesta ng Multisectoral Groups Para Ipanawagan ang Pag-Inhibit ng mga SC Justices

Iba’t ibang grupo sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas ang nagdaos ng kilos protesta laban sa 5 SC associate justices na ayaw mag-inhibit sa usapin ng quo warranto sa Supreme Court. Pinangungunahan ng Coalition for Justice ang alyansang ito.

Hinihiling ng Coalition for Justice na mag-inhibit sina SC Justices Teresita de Castro, Lucas Bersamin, Noel Tijam, Diosdado Peralta, at Francis Jardeleza. Silang lima ay kabilang sa walong associate justices na tumestigo laban kay CJ Sereno sa impeachment hearings sa House of Representatives. Sila rin ang nagsulong para mag-indefinite leave si Sereno.

Ayon sa statement ng CFJ, “The Supreme Court violated CJ Sereno’s right to due process when it condoned the participation in the recent oral arguments of five patently biased Justices.”

Sa petition ni CJ Sereno, sinabi nyang “Due process of law requires a hearing before an impartial and disinterested tribunal and that every litigant is entitled to nothing less than the cold neutrality of an impartial judge.” Ayon sa limang SC justices, walang basehan para mag-inhibit sila.

Bakit Hinahanapan ng Cold Neutrality ang Supreme Court sa Quo Warranto Proceedings?

Sa nakaraang quo warranto proceedings sa Supreme Court, nagpalitan ng maaanghang na salita ang mga SC justices. Dahil dito, hindi na rin nakakapagtaka na nagkaroon ng iba’t ibang kuro ang mga Pilipino tungkol sa pangyayari.

Dahil sa mainit na balitaktakan nina De Castro at Sereno, may isang netizen tuloy ang nagsabing nawawala na ang “cold neutrality” sa korte.

Source: Interaksyon

Source: Interaksyon

Kailangan kasi na may assurance ang sinuman na ang hukom na may hawak ng kaso ay magpapasiya ng walang malisya o bias na posibleng makaapekto sa kanyang desisyon.

Source: Interaksyon

Paano Magiging Patas ang Desisyon ng Korte Suprema kung Ayaw Mag-Inhibit ng 5 Justices?

Nagkakaroon kasi ng pag-aalinlangan sa desisyon ng 5 SC justices na ‘to dahil sa mga testimonya nila laban kay CJ Sereno sa Impeachment proceedings sa Lower House.

Ayon kay CJ Sereno, “They have already made pronouncements against me in the House. How can they be fair when they judge me? Some had already said that I am disqualified.”

Dagdag pa ni Sereno, “Some had already said that I benefited from an unjust shortlisting. Some had already said that they have been so hurt personally in their relationship with me. So they must inhibit under the compulsory rules of mandatory inhibition.”

Importante ang neutrality sa korte. Kung hindi patas ang isang hukom, anong hustisya ang makakamit ng isang Pilipino?

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *