Paano Nakalusot ang Batas na Nagbibigay Kapangyarihan sa PNP at CIDG na Mag-issue ng Subpoena?

Paano Nakalusot ang Batas na Nagbibigay Kapangyarihan sa PNP at CIDG na Mag-issue ng Subpoena?

Kagagawan ni Senator Ping Lacson ang lahat. Natulog kasi tayo sa pansitan.

Senate Bill 1239 was Passed by the Senate on January 30, 2017

Sa botong 20-1, ipinasa ng Senado ang SB 1239 na naglalayong bigyan ng kapangyarihan ang PNP Chief, PNP-CIDG Director, at PNP-CIDG Deputy Director na magpalabas ng subpoena. Tanging si Senator Ralph Recto lamang di umayon sa pagpasa ng Senate Bill na un.

Si Sen Ping Lacson ang may-akda at sponsor ng SB 1239. Ayon sa kanya, nalusaw ang kapangyarihan ng pulis noong pinagsama ang Integrated National Police at Philippine Constabulary sa PNP sa ilalim ng DILG Act of 1990. Nawalan ng kapangyarihan ang pulis na mag-issue ng subpoena.

Ayon pa rin ay Lacson, “It seems absurd that the Criminal Investigation Unit (CIU), now known as the CIDG, with a mandate to undertake monitoring, investigation, and prosecution of all crimes of such magnitude and extent as to indicate their commission by highly-placed or professional syndicates and organization, has lost its subpoena powers.”

Sinang-ayunan din naman sya ni Senator Franklin Drilon, saying there is “every reason to grant such authority to the PNP chief who has control and supervision over lower-ranked officials, like the director and the deputy director of the CIDG.”

At that time, nasa committee level pa lang ang ganitong bill sa House of Representatives.

House Approves Bill Giving Power to PNP CIDG to Issue Subpoena

Noong November 21, 2017, naipasa na ng House of Representatives ang version nila ng SB 1239. 193-7 ang boto ng mga Kongresista.

Si Congressman Francisco Jose Matugas II ng 1st District ng Surigao del Norte ang principal author ng HB 4863. Ayon sa kanya, ang CIDG ang “the main enforcement agency of the country, does not possess such power to issue administrative subpoena which plays a significant role in any fact finding or investigation.”

Ganun din, ayon din kay Congressman Matugas, bago ang PNP at PNP-CIDG, tanging Ombudsman, Department of Justice, the National Bureau of Investigation, the Philippine Drug Enforcement Agency, National Police Commission, Bureau of Internal Revenue, and the Cybercrime Operation Center of the Cybercrime Investigation Coordination Center lamang ang may karapatang mag-issue ng subpoena at subpoena duces tecum.

Duterte Signs RA 10973 Giving Power to PNP and CIDG to Issue Subpoenas

Kamakailan, ginulantang na lamang tayo na napirmahan na ni Digong ang RA 10973. May kapangyarihan na ang PNP Chief, PNP-CIDG Director, at PNP-CIDG Deputy Director na mag-issue ng subpoena at subpoena duces tecum.

Limitations ng RA 10973

Ang kapangyarihan na makapag-issue ng subpoena ay nasa kamay lamang ng 3 tao: ang PNP Chief, PNP-CIDG Director, at PNP-CIDG Deputy Director.

Ang subpoena ay dapat naglalaman ng nature at purpose ng imbestigasyon at mag-iimbita sa isang nilalang para humarap sa imbestigasyon. Sa subpoena duces tecum, maglalaman ang subpoena ng description ng mga dokumento na sina-subpoena na kinakailangan sa imbestigasyon.

Importance of RA 10973

Importante ang batas na ito sapagkat hindi nakakakuha ng ebidensya ang mga pulis sapagkat kelangang mag-volunteer ang mga iniimbestigahan na humarap sa imbestigasyon. Ganun din, voluntary basis din ang pangangalap ng ebidensya o dokumento.

Dahil sa bagong batas, pwede nang mapilit ng PNP na humarap ang isang tao para magbigay ng testimonya o ng mga dokumento na makakatulong para sa imbestigasyon. Ang sinumang hindi susunod sa subpoena ay pwedeng magmulta o makulong.

Bakit Nababagabag ang Iba sa RA 10973

Ayon kay Bayan Muna Representative Carlos Zarate, “This law would grant additional powers to the PNP-CIDG that can potentially be subjected to abuse and further human rights violations.”

Dagdag pa ni Zarate, “Ironically, while the PNP is now given this Marcosian era like subpoena power, it refuses to become fully transparent and accountable for the government’s bloody war drugs.”

Lohikal naman kasi ang kadahilanan kung bakit kelangan ang batas na ito NGUNIT dahil nga sa mga pangyayari ngayon, nagkakaroon ng agam agam na maaabuso ang batas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *