Office of the Vice President is the Last Infinity Stone

Office of the Vice President is the Last Infinity Stone

Sa sobrang lungkot ko dahil natanggal si CJ Sereno, minabuti kong manood ng sine: Infinity Wars. Wrong choice.

Maaga akong gumising noong Friday, hindi dahil sa pupunta ako sa Padre Faura, kundi dahil kailangan kong mag-share ng mga balita sa nangyayari sa Supreme Court sa Facebook at Twitter.

Sa kaibuturan ng puso ko, alam kong nakapagdesisyon na ang mga mahistrado, ngunit nanatiling buo ang pananampalataya kong posibleng may mangyaring himala.

Wala akong tigil sa pagtu-tweet ng #QuoWarrantoIbasura. Ang mga kaibigan kong nasa Padre Faura ay patuloy ang pagpapadala ng mga litrato at videos para mai-share ko at makita ng mga Pilipinong hindi makakapunta sa Supreme Court.

Lumabas ang desisyon, bandang 10 am. Lungkot na lungkot ako. Galit na galit. #WeFightWithSereno naman ang pina-trend, kasama ng ibang mga netizen.

Pagdating ng tanghali, ako’y nakaramdaman ng pagod. I need to get out of the house.

Napagpasiyahan kong manood ng sine. Hindi ko pa napapanood ang Infinity Wars. Hinintay ko ang 5:30pm para manood. Nagkamali ako ng desisyon. Mas lalo akong nalungkot. Mas lalo akong napaisip.

Thanos is Duterte and Duterte is Thanos. VP Leni is the last infinity stone.

Nakuha na ni Duterte ang Congress. Nakuha na ni Duterte ang Judiciary. Patuloy na nananalasa ang Children of Duterte sa social media, sa negosyo, at sa gobyerno. Hinati ni Duterte ang mga Pilipino. Pilipino laban sa kapwa Pilipino.

Isa na lang natitira. Si VP Leni. May usapin ng recount sa PET na binubuo rin naman ng mga mahistrado ng Supreme Court. Ilang tulog na lang, malapit nang magapi at makuha ang huling infinity stone: ang Office of the Vice President.

Mananatili akong makikipaglaban para sa demokrasya, katotohanan, at hustisya sa bansa. Ipagtatanggol ko ang Office of the Vice President. Ipagtatanggol ko ang mga Pilipinong binawian ng buhay dahil sa EJK. Ipagtatanggol ko si Senator de Lima na nakulong nang walang matibay na ebidensya.

Sa Infinity Wars, ibinigay ng bawat isa ang kanilang buong makakaya para labanan si Thanos. Ganun din, ibibigay din natin ang ating buong makakaya para labanan ang pasistang si Duterte.

We’re not going to give the OVP on a silver platter. We’re going to fight with all our might, all our powers, all our lives. So, help us, God!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *