National ID System, Pasado na sa Bicameral

National ID System, Pasado na sa Bicameral

Ano ang advantages at disadvantages ng national ID system?

Malapit nang Ipatupad ang National ID System sa Pilipinas

Pasado na sa bicameral conference ng Senado at House of Representatives ang national ID system. Ayon kay Senator Ping Lacson na syang author at sponsor ng Philippine Identification System Act of 2018, pumayag ang House of Representatives na pagtibayin ang bersyon ng Senado nang may konting pagbabago.

Ayon kay Lacson, matapos ma-ratify ang national ID system, ito ay ipapadala na sa Malacañang para mapirmahan ni Duterte para maging batas na. Inaasahan ang implementasyon ng National ID system bago matapos ang Hunyo 2018.

Dagdag pa ni Lacson, “May initial funding na ‘yan [It has initial funding], P25 billion.”

Ano ang Advantages at Disadvantages ng National ID system?

Sa isang artikulo sa GMA News Online, inilatag ang mga advantages at disadvantages ng national ID system.

Mga advantages:

  • Mas mabilis na delivery at access sa mga public services at mas bababa ang cost sa gobyerno at mga Pilipino
  • Magkakaroon ng access ang mga unemployed Filipinos sa financial and banking services na nangangailangan ng ID
  • Magagamit na panlaban sa krimen at terorismo
  • Magkakaroon ng central database na magagamit sa emergencies at iba pang public safety concerns
  • Magagamit ang ID ng mga Pilipino na walang access sa mga katulad na dokumento

Mga disadvantage:

  • Magagamit ng gobyerno na silipin ang personal data ng mga Pilipino. Posibleng magamit para maabuso o di gamitin nang maayos ang sistema.
  • Nalalabag ang privacy ng mga Pilipino na posibleng lumala at maging human rights abuses.
  • Walang proof na ang national ID ay isang effective na pamamaraan para labanan ang krimen at terorismo.
  • Paggamit ng ID system bilang tool o sistema na wala sa orihinal na layunin nito
  • Magastos ang pagkakaroon ng ID management program
  • Kwestyonableng abilidad ng gobyerno na protektahan ang mga datos ng mga Pilipino
  • Difficulties katulad ng migration, access sa registration centers ng mga Pilipino at iba pang residente, at kakulangan sa equipment at kasanayan ng mga registration centers

18 years ‘tong pinag-usapan dahil marami ang di payag dito. Sa rehimeng Duterte, kahit marami ang di payag, naipapatupad. tsk

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *