Nancy Binay, Tigilan mo na si Mar! Yang Tatay mo ang Nag-benefit sa NoyBi!

Nancy Binay, Tigilan mo na si Mar! Yang Tatay mo ang Nag-benefit sa NoyBi!

Nakalimutan yata ni Senadora Nancy na si Mar ang nadaya ng NoyBi! Ipaalala po natin sa kanya!

Sabi ni Nancy Binay possible raw nag-benefit si Mar sa dayaan noong 2016 election, ayon sa grupo ng automated election experts na nakausap nya.

Ayon sa Senadora, “Tanggap naman na niya talaga na natalo siya pero di niya matanggap bakit ganun lang ang boto nya. Nakarating din sa kanya ‘yung report na maraming presinto na zero vote sya. So interesado siyang malaman.”

Dagdag pa nya, “Tanggap naman namin na hindi siya nanalo pero ‘yung number of votes kasi andaming feedback na maraming presinto na zero siya. Meron din kasing IT group na kaalyado namin na may ganung report din sila na zero vote.”

Bakit Hindi Imposible ang Zero Vote?

Ipinaliwanag na ito ni Atty. Romulo Macalintal sa kaso ng zero vote na inirereklamo ni BBM. Sabi nya, “In areas that are clannish or where political leaders really have a strong grip, they usually give zero votes.” Dagdag pa nya, “Even the Supreme Court recognizes the fact that it happens and zero votes are acceptable.”

Hindi Nandaya si Mar Roxas!

Sa isang text message ni Mar sa GMA News, sinabi nyang “Hindi ako nandaya, at hindi ako mandaraya. Alam ko kung gano kasakit ang nadaya dahil mga dalawang milyong boto ang nawala sa akin nung 2010 elections.”

Dagdag pa ni Mar, “I am not about to turn around and do the same thing to someone else.”

Tigilan ang Pagiging Iresponsable Senadora Nancy Binay

Ayon kay Mar, “Hindi rin responsableng magbitaw ng ganitong klaseng akusasyon na ang basehan ay ang salitang ‘parang’.”

Aminado naman si Nancy Binay na hindi nya masyado naintindihan ang presentasyon ng mga sinasabi nyang automated elections experts dahil hindi sya eksperto sa Information Technology.

Sabi ni Nancy, “May nagpresent din sa akin pero parang ayaw din nila i-name ‘yung source n’ung documents nila. Hindi ako techie person so di ko alam ‘yung truth.  May ipinapakita silang surge of votes, print outs pero hindi ko alam kung reliable ‘yung source nila.”

Pero later on, inamin din naman ni Binay na galing ang mga dokumento nya sa COMELEC.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *