Nagkataon Lang Bang Sabay ang Pagsasaayos ng Boracay sa Pagtatayo ng Casino?

Nagkataon Lang Bang Sabay ang Pagsasaayos ng Boracay sa Pagtatayo ng Casino?

Maraming Pilipino ang may haka-hakang inaayos ang Boracay dahil sa magtatayo ng casino doon.

Nakabili na ng Lupa sa Boracay ang Leisure & Resorts World Corporation

 

Kamakailan lamang ay ibinalita ng LRWC na nakabili na sila ng 23 ektaryang lupa sa Boracay para pagtayuan ng isang resort casino. Ito ay naanunsyo sa kasagsagan ng balitang isasarado ng rehimeng Duterte ang isla para ayusin ang mga isyung pang-kalikasan doon.

Ayon kay LRWC Corporate Secretary Katrina Nepomuceno, “[We] acquired approximately 23 hectares of land in Barangay Manoc-Manoc, Boracay Island, Malay, Aklan.”

Inaasahan ng kumpanya ang pagbibigay ng provisional license ng PAGCOR sa Chinese partner nitong Galaxy Entertainment Group Limited bago matapos ang buwan ng Marso para mapasimulan na ang construction ng pinaplano nilang resort at casino na magkakahalaga ng US$500 million.

Sinasabing noong December 2017 lamang inanunsyo ng LRWC ang plano nilang magtayo ng resort and casino facility sa Boracay.

Bumisita ang mga Representatives ng Resorts World at Galaxy kay Digong Duterte

 

Noong unang linggo ng December 2017, bumisita ang mga executives ng dalawang kumpanya kay Duterte para pag-usapan ang nasabing proyekto.

Ayon kay Galaxy Vice Chair Francis Lui Yiu Tung, “Galaxy is excited about the possibility of teaming with LRWC to develop a world class beach resort for our players in Boracay which was just rated the number one island in the world in 2017 by Conde Nast Traveller readers.”

Cesspool daw ang Boracay, Ayon kay Digong

 

Noong February 2018, binantaan ni Duterte ang mga negosyo sa Boracay na ipapasarado nya ang isla para linisin ito. Sinabi ni Digong sa isang business forum sa Davao, “I will close Boracay. Boracay is a cesspool.”

Ayon kay Department of Tourism Spokesman Ricky Alegre, sa 150 business establishments na nainspeksyon, 25 lamang ang may koneksyon sa sewage line. Marami sa mga establishments ay dumidiretso ang waste material sa dagat.

Ganun din, marami sa mga establishments ang nagtatayo malapit sa beach at ung iba naman ay sinasakop na ang mga kalsada sa isla.

DENR, DILG at DOT Inirekomendang Isarado ang Boracay Simula April 26

 

Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu, pinirmahan nya, ni DOT Sec Wanda Teo, at DILG OIC Eduardo Año ang rekomendasyong isarado ang Boracay at ang sulat ay ipinadala nila sa Malacañang. Ang closure order ay tatagal ng anim na buwan.

Ngunit, ayon kay Cimatu, posibleng mapaikli ang pagsasarado ng isla kung malilinis at maaayos ang isla sa lalong madaling panahon.

Binigyan na ng Provisional License ng PAGCOR ang Resorts World at Galaxy

 

Ayon kay PAGCOR Chairperson Andrea Domingo, ang provisional license ay inaasahang mapipirmahan noong March 21, 2018.

Ayon kay Domingo, July 2017 pa lamang ay kumonsulta na ang Galaxy sa PAGCOR tungkol sa planong pagtatayo ng casino sa Boracay.

Walang Public Consultation sa Pag-endorso ng Malay LGU sa Casino

 

Noong isang taon pa inendorso ng LGU ng Malay ang pagkakaroon ng $500-million casino sa Boracay. Inendorso nila ito bago sila nagkaroon ng moratorium sa pagtatayo ng mga bagong casinos.

Ayon kay Malay Vice Mayor Sualog, ipinasa ng konseho ang resolution na nag-eendorso sa nasabing casino project ng walang public consultation sapagkat mayroon ng apat na casino sa Boracay na mga foreigners ang customers.

Nagprotesta naman ang maraming residente ng Boracay, pati na rin ang Catholic Church sa Aklan, sa pagtatayo ng LRWC at Galaxy ng isang malaking casino sa isla.

Ayon kay Kalibo Bishop Jose Corazon Tala-oc, sinisira ng mga casinos ang moralidad ng mga pamilya na syang nagtutulak para malulong pa sa ibang bisyo gaya ng illegal na droga. Dagdag pa ni Tala-oc, “Putting up a casino is not cleaning up Boracay and may even be ‘dirtier’ than the other problems.”

Ganun din, pinuna ng ilang residente ng Boracay ang mga lokal na opisyal gaya nina Aklan Governor Florencio Miraflores at Malay Mayor Cawaling sa kanilang pagpunta sa Macau dahil sa imbitasyon ng Galaxy.

Nalaman ng mga residente ang trip ng mga nasabing opisyal dahil sa pag-trending ng isang larawan sa social media na na-post sa Facebook noon pang February 2017. Sa nasabing larawan, kasama nina Miraflores, Cawaling, at dating Malay councilor Jonathan Cabrera si Leonard Tirol, isang owner ng Boracay resort, sa Macau.

Hindi Pabor si DILG OIC Año sa Pagtatayo ng Casino-resort sa Boracay

 

Ayon kay DILG OIC Eduardo Año, tinutulan nya ang pagtatayo ng casino-resort dahil sa hindi kinonsulta ang ibang ahensya tungkol dito.

Ayon kay Año, “Actually, we were not consulted with and my personal stand, I do not agree that a casino should be placed there.”

Dagdag pa nya, “I’ve been to several resorts in other countries, wala naman akong nakitang casino doon so sana ‘wag na lang sa Boracay, but hindi pa naman napag-usapan ‘yon ng inter-agency task force, we are focusing on rehabilitating and how to clean up Boracay.”

Salungat ang Pagtatayo ng Casino sa Pagsasaayos ng Boracay

 

Ayon kay DENR Secretary Cimatu, kailangang makasunod ang casino-resort sa mga requirements ng nasabing ahensya ng gobyerno.

Nung tinanong si Cimatu sa isang ambush interview tungkol sa pagsalungat ng pagtatayo ng casino sa rehabilitation efforts ng gobyerno, sinabi nyang, “There is. Talagang ganun nga.’’

Wala namang problema sa pagsasaayos ng Boracay NGUNIT hindi naman yata tama na matapos ayusin ay muling magkakaproblema dahil sa mga panibagong istrakturang itatayo na muling magpapasikip sa isla.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *