Mistake Lang Daw ang Pagkaaresto kay Sis Patricia Fox

Mistake Lang Daw ang Pagkaaresto kay Sis Patricia Fox

Grabe namang pagkakamali yan. Kinulong ang isang madre na wala namang sala.

Inaresto ng Bureau of Immigration si Sis Patricia Fox

 

Noong Lunes, April 16, 6 na officials ng BI ang pumasok sa mission house ng Sisters of Our Lady of Sion sa Quezon City upang hulihin si Sis Patricia Fox at ikulong sa BI Intelligence Division sa Intramuros, Manila.

Si Sis Fox ay kasama sa isang fact-finding and solidarity mission sa Mindanao. Adbokasiya nya ang pagtulong sa mga magsasaka at mga katutubo.

Tinuligsa ng mga Kritiko ni Duterte ang Pagkakulong kay Sis Patricia Fox

 

Ayon sa Liberal Party, “The emerging trend on crackdown against foreign activists in the country is alarming as exhibited by the harassment and casual arrests of the two human right advocates who were not even in protest activities or rallies when taken into custody.”

Ayon naman sa grupong Karapatan, “If indeed Duterte is as innocent as his sycophants say, there would be no reason for blocking any form of independent inquiries into the cases of extrajudicial killings and other rights violations against peasants and other poor sectors in the Philippines.”

Marami pang grupo ang kumondena sa pagkaaresto at pagkakulong ni Sis Patricia Fox. Ayon sa kanila, walang due process at respeto sa karapatan ni Fox bilang isang alagad ng simbahan.

Pinalaya na ng Bureau of Immigration si Sister

 

Kahapon, napalaya na ang Australyanong madre na si Sister Fox matapos ang halos isang araw na pagkakulong.

Sa pagkaka-release ng madre, nagpahayag ito ng “If you call it political, I call it part of our duty as religious that we support the poor, which is supposed to be where we’re standing with the poor. I haven’t joined political rallies in terms of party politics, but I have been active in human rights issues.”

Ngunit, ayon kay Atty Arvin Cesar Santos ng BI Legal Division, “Fox should undergo preliminary investigation to determine if deportation charges should be filed against her before the bureau’s board of commissioners.”

Ipinag-utos ni BI Commissioner Jaime Morente ang pagpapakulong kay Sis Fox dahil sa may mga impormasyon na nilabag ng madre ang mga kondisyon sa kanyang pananatili sa bansa.

Isang Mistake daw ang Pagkaaresto kay Sis Fox

 

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, “Meron naman pong batas talaga iyan, na ang mga dayuhan hindi dapat naghihimasok sa pulitika natin, at kahit sino namang gobyerno talagang ayaw nila na manghimasok ang mga dayuhan (There really is a law that forbids foreigners from interfering with local politics, and no government would really want foreign intervention).”

Dagdag pa ni Roque, “Ang pagkakaiba lang po ay mukhang nagkamali dito kay Sister Fox at siguro (The difference is, there seems to be a mistake in the case of Sister Fox and maybe) apologies are in order.”

Ang tindi ng “mistake” naman na yan, Harry Roque!

Kinuha ng BI si Sister Patricia Fox sa mission house at na-detain nang wala namang matibay na ebidensya.

Hindi naman pala nahuli ang madre na aktwal na sumali sa kilos protesta. Nilabag nyo ang karapatang pantao ng isang dayuhan.

Bugok talaga ang mga tauhan ni Duterte! Walang respeto sa karapatang pantao! Nakakahiya na tayo sa buong mundo, aba!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *