MAY DUNGIS NA ANG TUMANGGAP NG LIBRENG MECCA TRIP GALING SA MARAWI FUND

Ano ang implikasyon ng Mecca trip gamit ang Marawi Fund? Bakit sinasabing may dungis na ang sinumang tumanggap nito?

Nabasa ko ang isang paliwanag ng isang Maranao na kaibigan ng aking kaibigan.

Source: Zena Bernardo’s FB

MARAWI REHAB FUND USED FOR MECCA TRIP HAS SERIOUS IMPLICATIONS FOR ITS BENEFICIARIES

I am very grateful that a friend always patiently explains to me their ways as Muslims in Mindanao. So I asked him about the Marawi funds that were allegedly used to fund the trip of some to Mecca and here are his insights:

“Ang Haj ay isang religious undertaking. Mandatory and once in a lifetime for those who can afford it. Kaya huwag haluhan ng hindi angkop sa religious nature niya. Kaya nga pinakaiingatan yan in all its aspect. Sa gagastusin ng tao napaka-importante na galing sa malinis ang pondo ang gagamitin niya. It must be pure.

– Clearly technical malversation because the funds are specifically appropriated for Marawi rehab but was diverted to fund Hajjis

RELATED: All Together Now: Nasaan ang Marawi Fund?

– Iyang mga gagamit ng pera na yan na mag hahajj, I would say, hindi pa sila nakakaalis papunta Saudi, may bahid na ang source ng kanilang expenses. Kaya, only Allah knows, pagod at pamamasyal lang ang makukuha nila.

Pag mag hajj ang isang Muslim, siguraduhin niyang walang bahid ni katiting ang expenses na gagstusin niya. Kaya karamihan nag-iipon niyang matagal hanggat sa maabot ang expenses required tsaka mag hahajj. Pag may bahid dumi ang ginamit na expenses, walang matatanggap na biyaya galing sa Diyos ang maghahaj.

Ang reward ng nag haj ay parang bagong ipinanganak na walang kasalanan. Ngayon, paano ka papatawarin ng Diyos kung ang ginamit mong expenses ay galing o may bahid dumi?”

MAY TUMANGGAP NGA BA?

“Mayron tumanggap. Iyong gustong makapag haj kahit saan pa galing ang pera. Iportante maka pag haj. Parang sa eleksyon, kahit na ipinagbabawal ng Islam ang vote buying and selling, sinusuway parin nila kasi pera pinag-uusapan.

Pero hindi nila inisip ang bahid na naka dikit sa source ng kanilang expenses, pamamasyal at pagod ang makukuha. Di pa sila nakakaalis may dungis na ang kanilang lakad.”