Maski Malacañang Dinedma ang “Dick Gordon Show” tungkol sa Dengvaxia

Maski Malacañang Dinedma ang “Dick Gordon Show” tungkol sa Dengvaxia

Noong Senate investigation sa Dengvaxia, halatang halata naman na mino-monopolize ni Dick Gordon ang hearings.

Nagpa-Press Conference si Gordon para sa Dengvaxia Tragedy

 

Kamakailan, humarap si Dick Gordon, ang Chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, sa media para ilahad ang resulta ng imbestigasyon ng kanyang komite tungkol sa Dengvaxia vaccine.

Binasa ni Gordon ang isang parte ng report, “Aquino, Garin, Abad and other officials are primary conspirators and must be held criminally liable because as succinctly put by the Old Spanish legal maxim ‘El que es causa dela causa, es causa del mal causado’- he who is the cause of the case, is the cause of the evil caused—- and must be prosecuted for all the tragedy, damage and possible deaths” resulting from the Dengvaxia mass vaccination program.”

Ayon sa report na ito ni Gordon, dapat daw kasuhan si Aquino, Garin, Abad, at iba pang mga opisyales dahil sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act and the Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees and against Dr. Julius Lecciones of the Philippine Children’s Medical Center.

Pero, ang nakakalurkey dito, ipinagmalaki na ni Gordon ang report nang di pa napapapirmahan sa iba pang myembro ng Senate Blue Ribbon Committee. Hindi pa rin ito naisusumite sa plenaryo para aprubahan. In short, papampam lang si Dick Gordon.

Solo Act Lamang ni Dick Gordon

 

Ayon sa dating Pangulong Noynoy Aquino, “In legislative inquiries that I participated in, the process is [to] gather facts then arrive at a conclusion. The Dick Gordon show started with a conclusion and tried to produce facts to support it.”

Maging mga kapwa senators naman ni Dick Gordon ay nakapuna na sinasarili nya ang Senate hearings. Ung iba sa kanila ay hindi nabigyan ng pagkakataong makapagsalita o makapagtanong man lamang sa mga resource persons.

Ayon naman sa Abigail Valte na spokesperson ni PNoy, handing harapin ng dating Pangulo ang anumang alegasyon laban sa kanya.

Sinalungat din ng Ibang Senators ang Report ni Gordon

 

Ayon kay Senator JV Ejercito, Chairman ng Senate Health Committee, “I believe that while former President Benigno Aquino III is guilty of negligence for not exercising due diligence, it is his two Cabinet members who should be primarily held liable for the Dengvaxia mess that has endangered the lives of almost 1 million children.”

Ayon naman kay Senator Panfilo Lacson, “Having worked closely with ex-Pnoy, both in the Senate and Malacañang, it is difficult for me to believe that he was capable of committing graft and corruption.”

Sinabi naman ni Senator Bam Aquino na “Though this report has not been made available to the members of the Blue Ribbon Committee, if the final report reflects yesterday’s statements and political leanings, we will have serious concerns with the conclusions made.”

Ayon naman sa statement ng Magdalo Party-list, “It is obvious from the draft report that the committee has no appreciation of facts and solid evidence. There should have been thorough investigations and conciliation of facts and findings of medical experts from which the recommendations of the committee should have been based.”

Dedmakels pati ang Malacañang sa Pauso ni Dick Gordon

 

Ayaw naman magkomento ng Malacañang tungkol sa draft report ni Gordon. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, “Awaiting findings of NBI (National Bureau of Investigation) still.”

Ang galing ni Senator Gordon. Simula una hanggang huli, sya lang ang bida. Best Actor na yan!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *