Martin Diño, Tanda Mo Na, Naloko Ka Pa?

Tuso man daw ang matsing, matsing pa rin?!

Noon lamang January 2018 na-appoint bilang DILG Undersecretary si Martin Diño. Gumawa sya ng mga alingasngas bilang SBMA Chairman. Natanggal sya sa pwesto pero ginawa namang DILG Undersecretary ni Duterte.

Kamakailan, nag-trending sa social media ang mga larawan ni USEC Diño na suot ang uniporme ng Rear Admiral ng Philippine Coast Guard.

Source: News5

Source: News5

Maraming netizens ang pumuna sa mga nag-trending na pictures sapagkat merong Philippine Coast Guard Law o RA 9993 na syang nagbabawal ng pagsusuot ng PCG Auxiliary’s uniform. May karapatan ang PCG na magsampa ng kasong usurpation of authority sa sinumang mag-aangkin ng anumang posisyon sa organisasyon.

PCG Itinangging Myembro ng PCG Auxiliary si Diño

 

Mabilis din namang itinanggi ng Philippine Coast Guard na myembro ng Auxiliary group nila si DILG USEC Martin Diño.

 

DILG Dumistansya sa Issue ng PCG at ni Diño

Ayon kay DILG ASEC Jonathan Malaya, “The matter of USEC Martin Diño’s membership in the Philippine Coast Guard Auxiliary is between USEC Diño and PCG. THE DILG HAS NOTHING TO DO WITH THIS MATTER. The department will respect whatever the PCG’s action in this regard will be in accordance with applicable laws, rules, and regulations.

Source: News5

Depensa ni DILG USEC Martin Diño

Sa panayam kay Diño, sinabi nyang ginawa syang Rear Admiral ng PCG Auxiliary ng grupong kaniyang kinabibilangan. Ang promotion daw ay naganap sa Manila Yacht Club noong January 25 ng taong kasalukuyan. Isang Admiral Villanueva na namumuno sa 101 Manila Yacht Club Squadron raw ang nag-promote sa kanya bilang Rear Admiral.

Sir, naman?! Naman?! Naman?! Opisyal ka na ng gobyerno. Hindi mo man lang pina-verify sa staff mo kung lehitimo yang grupo na sinalihan mo. Hindi mo lang ba naisip na mag-verify kung ano ang proseso ng membership sa Philippine Coast Guard Auxiliary. I bet you do not even know na may website sila.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa ako sa ‘yo. Muntanga ka kasi. Proud na proud kang naging Rear Admiral ng PCG Auxiliary pero di ka naman ni-recognize ng Philippine Coast Guard. Pagkatapos, DILG dropped you like a hot potato. Eh kasi, maling mali naman talaga ang diskarte mo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *