LOCSIN: PHL-CHINA FRIENDSHIP DAY KAYA MAY NAGBEBENTANG CHINESE FLAG SA LUNETA

Payag pala si DFA Secretary Teddy Boy Locsin sa pagbebenta ng Chinese flag sa Luneta. Phil-China Friendship Day daw.

Philippine-China Friendship Day Pala

Dinepensahan ni DFA Secretary Teddy Boy Locsin ang pagbebenta ng mga Chinese flag sa Luneta kahapon.

Ayon sa kanya, nagdiriwang ang bansa ng Filipino-Chinese Friendship Day ngayon. Idineklara kasi ni dating Pangulong Arroyo ang selebrasyon kada-June 9 noong 2002 pa.

Ayon kay Locsin, wag mabalisa ang mga Pilipino dahil US flag naman ang ibebenta kapag dumating na ang araw ng Philippine-US Friendship Day. Mayroon pa nga raw tarpaulin tungkol sa Mutual Defense Treaty.

Tinuligsa rin kasi ni National Defense and Security Panel Chairman Ruffy Biazon ng House of Representatives ang pagbebenta ng mga watawat ng China.

Ayon sa kanya, ang May 28 – June 12 ay National Flag Days ayon sa RA 8491 kaya dapat ang ipinapakita ay ang watawat ng Pilipinas at hindi ng China.

Pero, dahil sa may announcement ang DFA tungkol sa selebrasyon, binawi naman ni Biazon ang kanyang pahayag.

Ayon sa DFA, ipinagdiriwang ng Pilipinas at China ang pagkakaibigan ng dalawang bansa lalong lalo na dahil sa kooperasyon ng bawat isa sa larangan ng politika, ekonomiya, kultura, at edukasyon.

RELATED: Sa Usapin ng Illegal Chinese Workers, Kanino Pumanig si Duterte?

May basbas naman pala ang pagbebenta ng watawat. Kunsabagay, wag na tayong magtaka. May basbas din naman ang pagpasok ng mga Chinese workers bilang trabahador sa infrastructure projects na nagnanakaw ng trabaho ng mga Pilipino. Ano pa nga ba ang aasahan natin sa rehimeng Duterte?

 

Source:

CNN Philippines Staff. (2019, June 9). ‘Don’t fret’: DFA defends selling of Chinese flags sold in Luneta Park . Retrieved from CNN Philippines: ‘Don’t fret’: DFA defends selling of Chinese flags sold in Luneta Park