Lapu Lapu Fish: Iibahin ang Pangalan?

lapu lapu fish

May gustong magpabago ng pangalan ng lapu lapu fish. Bakit kaya?

Radaza ibig baguhin ang pangalan ng lapu lapu fish

Ayon kay Lapu-Lapu District Representative Paz Radaza, ibig nyang ibalik ang dating pangalan ng isdang lapu-lapu sa “pugapo”. Naghain sya ng House Bill No. 2223 para rito.

Ayon sa kanya, bayani si Lapu-Lapu sa kanyang paglaban sa mga Kastila kaya hindi dapat isunod ang pangalan ng isang isda rito.

RELATED: PILIPINAS DI KAILANGAN ANG PERMIT NG CHINA PARA MANGISDA SA WEST PHILIPPINE SEA

Hindi angkop ipangalan sa “Plectripomus leopardus” (scientific name ng isdang lapu-lapu) ang isang bayani kahit na sikat ito maging sa Southeast Asia.

Kapag naisabatas na ang panukala, tatawagin na ang isdang lapu-lapu sa dati nitong pangalan na pugapo.

Ayon sa panukalang batas, ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, National Historical Commission of the Philippines, at Department of Agriculture ang dapat magpatupad ng pagpalit ng pangalan ng isda.

Typo error sa House Bill 2223 ni Radaza

Sa Section 2 ng HB 2223, nakasaad na, “As it is a defilement that his (Lapu-Lapu’s) name is being used to call a fish, Plectopomus Leopardus, discontinuance of calling the species as Lapu-Lapu or Lapulapu, shall be prohibited. Instead the species shall be called and restored to its original name “Pugapu.”

Magulo ang pagkakalatag ng Section 2 dahil ginamit nya ang “discontinuance” at “prohibited.” Sa Pilipino, ipinagbabawal ng Section 2 ang di pagpapahinto ng pagtawag ng isdang pugapu na lapu lapu. In short, tuloy ang pagtawag sa isda bilang lapu-lapu.

Congresswoman Ragaza, mag-hire ka po ng magaling na editor para di po nasasayang ang papel, oras, at effort. Hire ka rin po ng magaling na think-tank para makaisip ng mas magandang panukalang dapat maging batas.

House Bill ni Radaza walang ngipin, di nangangagat

Para magkaroon ng magandang resulta ang isang pagbabawal, kailangang mayroong kaparusahan sa mga di tutupad. Ang panukala ni Radaza ay walang anumang parusa.

Ganun din, walang pamamaraan kung paano mapipigilan ng mga awtoridad ang pagtawag sa isdang lapu-lapu dahil matagal na itong nakagawian.

Hindi mo rin maisasabatas ang paggamit ng salita. Mababaw masyado. Hindi rin nakakasagot sa pangangailangan ng mga Pilipino. Isang pagsasayang lamang ng oras at resources.

RELATED: CARPIO SINOPLAK SI DUTERTE HINGGIL SA PANGINGISDA NG MGA INTSIK SA WPS

Hindi rin naipaliwanag sa panukala kung bakit hindi angkop at isang paglapastangan at paglabag ang paggamit ng Lapu-lapu.

Mahal ang lapu lapu fish. Higit sa $25 million ang naipapasok nitong kita sa gobyerno dahil sa pag-export nito. Natutulungan ng isda ang higit sa 100,000 Pilipino. Nababastos ba si Lapu-lapu sa ganito?

Mas marami pang dapat pagkaabalahan at gamitan ng resources ng isang mambabatas. Masyadong maraming problema ang kanyang constituents at un ang dapat nyang patuunan ng oras, effort, at resources.

Marami na rin namang pamamaraan para parangalan si Lapu-lapu. Halimbawa, tuwing April 27 ay “Kadaungan sa Mactan” sa buong bansa at special non-working holiday ito sa Lapu-Lapu City.

May mga monument si Lapu-Lapu sa Mactan at Luneta. Matatandaang ibig pa nga ipatanggal ang monumento sa Luneta at ilipat sa Lapu-Lapu City. Pero, ipinaglaban ni Representative Raul del Mar ang pananatili nito sa Rizal Park.

Ganun din, hindi naman natin naiisip na isang isda ang bayaning si Lapu-Lapu, di ba?

Congresswoman Radaza, baka pwedeng kumuha ka ng mga magagaling na kasama para makaisip ka ng magagandang batas. Hire ka rin ng magaling na editor, pwede?

 

Sources:

GMA News. (2019, August 3). Kongresista, nais na ang bayani na lang ang magtaglay ng pangalang Lapu-lapu at ‘di na kasama ang isda. Retrieved from GMA News BaliTambayan: Kongresista, nais na ang bayani na lang ang magtaglay ng pangalang Lapu-lapu at ‘di na kasama ang isda

Radaza, P. C. (2019, July 17). HB 2223: An Act Rectifying the Dishonorable Use of a Great Filipino Name Lapu-Laput to a Fish Species “Plectropomus Leopardus”. Retrieved from House of Representatives: HB 2223: An Act Rectifying the Dishonorable Use of a Great Filipino Name Lapu-Laput to a Fish Species “Plectropomus Leopardus”

Seares, P. A. (2019, August 1). Seares: Radaza’s bill bans use of Lapu-Lapu as fish name but doesn’t sting or bite. Retrieved from Sun Star: Seares: Radaza’s bill bans use of Lapu-Lapu as fish name but doesn’t sting or bite