Kwentong Bato: Maga ba o Hinde ang Kamao ni Duterte?

Kwentong Bato: Maga ba o Hinde ang Kamao ni Duterte?

May umeechos na naman sa Duterteserye. Showbiz na Showbiz, aba?!

Sinuntok ni Duterte ang Dingding ng Malakanyang

Ayon kay PNP Chief Director General Bato Dela Rosa, sinuntok daw ni Digong ang isang dingding sa Palasyo dahil sa galit sa pagkakaabswelto ni Kerwin Espinosa sa kasong droga.

Sabi Bato, “I tell you nung nagalit si Presidente, tingnan niyo yung kamay ni Presidente, namaga. Nung nagalit siya nung naalaman niya ‘yan sinuntok niya yung wall, dingding ng Malacañang.”

Dagdag pa nya, “Tingnan niyo kamao ni Presidente namaga sa galit niya. Moro moro? ganon pa moro-moro?”

Inamin ni Bato Dela Rosa na Alam Nyang Abswelto sina Kerwin Espinosa, Peter Lim, etc

Sinabi raw ni CIDG Chief Director Roel Obusan ang desisyon ng DOJ prosecutors “weeks before”nalaman ng media.

Sabi ni Bato, “Bago lang ito nalaman ni presidente, as far as I’m concerned…Kasi ang daming iniisip ni Presidente eh, hindi lang naman itong kaso na ‘to…nalaman niya ito nung lumabas na sa media na pumutok na.”

Dagdag pa nya, “Parang nabanggit ito ni…General Obusan sa akin weeks before, pero hindi ko masyadong binibigyan ng weight na sabihin.”

Parang ang gulo, ‘no?! Alam na ni Bato pero nanahimik pa rin sya. So, ibig sabihin, tanggap nya nang abswelto sina Kerwin Espinosa. Ngayon lang sya dakdak nang dakdak porke pumutok na ang balita.

Ang tanong: Bakit nanatili syang tahimik gayong major case ‘to sa war on drugs?

Wala raw Alam si Harry Roque kung Sinuntok nga ni Digong ang Dingding ng Palasyo o Hinde

Pero, sa panayam kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi raw sya aware kung ginawa ni Digong ang pagsuntok sa dingding ng Malakanyang.

Sabi ni Roque, “Hindi ko alam kung nangyari ‘yan. Kung noong [Martes] ’yan, hindi kami naghiwalay ni Pangulo.”

Nasa Malakanyang si Bato noong Martes para sa joint command conference ng PNP at AFP. Sabi ni Roque, kasama nya si Digong hanggang 12 midnight pero hindi nya nakita na sinuntok ni Digong ang dingding. Gayun din, hindi rin naman nagbigay ng detalye si Bato tungkol sa pautot.com nyang sinuntok ni Digng ung pader.

Sabog na sabog ang script ng Duterteserye. Kaya nagiging flosina sa takilya eh. Kumuha dapat ng magaling na scriptwriter. Nakakaumay na eh.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *