Kung Laganap pa rin ang Shabu Kahit May War On Drugs, Palpak si Duterte

Kung Laganap pa rin ang Shabu Kahit May War On Drugs, Palpak si Duterte

The numbers do not lie.

PDEA: IN DEMAND PA RIN ANG SHABU

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency, laganap pa rin ang shabu kahit na patuloy ang war on drugs ni Duterte at higit sa 5,000 drug suspects na ang napapatay.

Hindi naman kasi kaya ng awtoridad na solusyunan ang demand sa illegal drugs. Health condition kasi ang drug addiction.

Patuloy pa rin ang pagdami ng supply dahil may demand para sa ilegal na droga.

May nag-iimport ng droga at may nagtatayo ng shabu laboratories sa bansa para mapunuan ang demand.

Health condition ang paggamit ng droga. Hindi hadlang ang makita ng mga adik ang kabi-kabilang patayan dahil nga addiction na ito.

Kaya nga, kelangan ang intervention at rehabilitation.

Ngunit, bumaba ang presyo ng shabu, gaya ng sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino noong isang buwan.

Pero, di naman nangangahulugan na bumaba ang demand. Posibleng dumami ang supply.

Remember, tone-toneladang shabu ang nakapuslit sa Pilipinas na gumamit ng magnetic lifters.

Di pwedeng i-discredit ng awtoridad ang pagdami ng supply sa pagbaba ng presyo ng shabu.

Actually, mas lohikal pa ngang sabihin na bumaba ang presyo ng shabu sa merkado dahil sa pagdami ng supply nito.

Kaya nga, di solusyon ang pagpatay sa mga drug suspects. Mapatay man nila ang isa. May papalit na panibagong adik.

Itigil na ang madugong war on drugs. Gastusan ng rehimeng Duterte ang edukasyon. Bigyan ng trabaho ang mga walang trabaho.

Sa tamang edukasyon at pagbibigay ng trabaho, mababawasan ang tumatangkilik sa droga. Di kelangang madaliin ang proseso sa pamamagitan sa pagpatay ng mga Pilipino.

 

 

Source:

Panti, L. T. (2018, November 27). Shabu still in demand despite thousands of drug deaths —PDEA.

Retrieved from GMA News Online: https://www.gmanetwork.com/news/news/nation/676269/shabu-still-in-demand-despite-thousands-of-drug-deaths-pdea/story/