Kung Hindi Substandard ang Materyales na Ginamit, Bakit Gumuho ang Itinatayong Flyover sa Cavite?

Kung Hindi Substandard ang Materyales na Ginamit, Bakit Gumuho ang Itinatayong Flyover sa Cavite?

Anyare Mark Villar sa proyekto mo?

Gumuho ang Flyover sa Cavite noong Hatinggabi ng Sabado

Nawala sa balance ang ikinakabit na support beam sa itinatayong flyover sa Imus, Cavite na syang naging dahilan para gumuho ang gitnang bahagi nito.

Dahil dito, ang pagguho ay nagdulot ng sobrang pagsisikip ng daloy trapiko dahil nagkalat sa kalsada ang mga semento at iba pang materyales. Nasira rin ang motorsiklo ng isang traffic enforcer at ang trailer truck ng coordinator ng proyekto. Sarado ang Emilio Aguinaldo Highway sa panulukan ng Daang Hari.

Ayon sa Department of Public Works and Highways, hindi substandard ang ginamit na materyales para sa ginagawang flyover.

Anyare sa Gumuhong Flyover sa Imus?

Gumuho ang beam ng ginagawang flyover dahil nasagi ito accidentally ng isang moving crane.

Iniimbestigahan na ng mga pulis ang dalawang operators ng crane na sina Ronido Morga at Bernabe Chavez. Ayon sa paunang report ni Senior Superintendent William M. Segun, ang Provincial Office Director ng Cavite Police, ang proyekto ay isang joint venture ng William Uy Construction at JBL Builders.

Ayon kay Jong Ilupit, Project-in-charge ng JBL, nangyari ang aksidente habang inilalagay ang huling guilder. Nasagi ng crane ang flyover capping beam na syang naging sanhi para mahulog ang lima pang guilders.

Sabi ni Ilupit, “The crane operator miscalculated (the swift) and hit the flyover beam and the (eventual) fall of five guilders.”

Dalawang taon ng ginagawa ang Daang Hari Road- Aguinaldo Highway By-Pass Road. Ito ay nagkakahalaga ng 300M pesos. Inaasahang matatapos ang flyover na ito ngayong taon. Ang flyover ay mag-uugnay ng Daang Hari at Anabu main road papuntang Cavite-Laguna Expressway.

Mahilig namang mang-angkin si Mark Villar. Angkinin kaya nya ang responsibilidad sa nangyari sa Imus?

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *