Koko Pimentel Papalitan as PDP-Laban Pres

koko pimentel manny pacquiao

Koko Pimentel tatawag ng national assembly para dinggin ang hinaing ng mga myembro.

It’s about time – Koko Pimentel

Posibleng may pagbabago ng liderato sa partido ni Duterte, ang PDP-Laban, dahil marami na ang dismayado sa pamumuno ni Koko Pimentel at nagsilipatan na sa National Unity Party (NUP).

Sa homecoming party ni Manny Pacquiao kamakailan, sinabi ni Koko Pimentel na napapanahon nang magkaroon ng national assembly para ihalal ang mga bagong lider ng partido.

RELATED: Ano ang Ginagawa ng mga Factory Workers at Marcos Loyalists sa PDP-Laban Convention?

Papakinggan ang lahat ng myembro sa national assembly para malaman kung sino ang nais nilang mamuno sa kanila.

Ayon kay Pimentel, posible ang national assembly bago matapos ang taon dahil tapos na rin naman ang halalan.

Ibig ni Koko na maging propesyunal ang partido at sumunod ang mga myembro nito sa Saligang batas. Lilinisin din ang membership database.

Hiniling ng national headquarters ng partido sa kanilang mga myembro na i-update o i-reconfirm ang kanilang membership dito.

Hindi dapat mawalan ng pag-asa ang mga myembro ng PDP-Laban. Napabalitang may ilang mambabatas ang lumipat sa NUP dahil di sila napiling chairperson ng mga gusto nilang komite.

Higit sa 12 myembro ng PDP-Laban ang lumipat sa nasabing partido na sinasabing sumuporta at nagsulong ng pagkahalal ni Alan Peter Cayetano bilng House Speaker.

Bago rito, 85 mambabatas ng PDP-Laban ang nasa House of Representatives. Ayon kay Pimentel, 71 lamang ang komite sa Kamara kaya imposibleng maging pinuno ang lahat ng isang komite.

36 mambabatas ang dumalo sa party ni Pacquiao na inorganisa ni Lord Allan Velasco, ngunit di naman nakadalo ang huli dahil sa problema sa kalusugan.

Tiniyak naman ni Pimentel na magkakaroon ang mga mambabatas ng kani-kanilang komite kapag si Velasco na ang House Speaker matapos ang 15 buwan.

RELATED: TERM SHARING SA HOUSE SPEAKER POSIBLENG HADLANG SA REPORMA

Inaasahan din ni Koko na magsisibalikan ang mga mambabatas na lumipat sa NUP kapag si Velasco na ang House Speaker.

No problem – Pacquiao

Iprinisinta naman ni Manny Pacquiao ang kanyang vision para sa PDP-Laban sa nasabing homecoming party.

Ayon sa kanya, kailangang kapayapaan at ekonomiya ang pagtuunan ng partido dahil sa maraming problemang dapat aksyunan.

Nang tinanong sya kung ibig nyang maging pangulo ng partido, sinabi nyang ibig nyang maisaayos ang PDP-Laban at mag-aambag sya nang kanyang makakaya para maisakatuparan ito.

Ibig ni Pacquiao na magkaroon ng buwanang pagtitipon at mga lectures para maging propesyunal ang partido. Posible naman itong gawin, sabi ni Pimentel.

Si Pacquiao ang tumayong campaign manager ng partido noong nakaraang halalan kung saan si Zajid Mangudadatu lamang ang di pumasok sa winning circle sa Senado. Lima ang kandidato nito sa pagka-senador.

Kahit naman sinabi ni Pacquiao na di sya naghahangad ng mas mataas na pwesto, kapansin-pansing sa kanyang tahanan sa Makati ginagawa ang mga importanteng pulong.

Sinabi rin nya na tatawag sya ng isang pagpupulong bago matapos ang Agosto para pag-usapan ang mga pangyayari sa partido.

So, asahan na nating si Pacquiao ang magiging pangulo ng PDP-Laban sa lalong madaling panahon. Bar topnotcher, out! Boxer, in! Bye, bye Koko Pimentel!

 

Source:

Rey, A. (2019, August 8). Pimentel on his way out? ‘About time’ PDP-Laban elects new leaders, senator says. Retrieved from Rappler: Pimentel on his way out? ‘About time’ PDP-Laban elects new leaders, senator says