Jay Sonza: Ano pong Problema Nyo, Ha?

Jay Sonza: Ano pong Problema Nyo, Ha?

Napag-isipan kong galitin ang sarili ko the other night. Hindi ako nabigo. Hahaha

Hindi ko alam kung bakit napadpad ako sa Facebook wall ni Jay Sonza. Basta natatandaan ko lang eh hindi ko matanggap ang mga pinagsasasabi nya sa mga kapanalig nyang uto-uto. Kaya, naisipan kong i-fact check ang ilang posts nya dun.

Napa-research tuloy ako. Ang Cambridge Analytica ay na-establish lamang noong 2013. Paanong may kinalaman ito noong 2010 national elections?

Source: Wikipedia

Pero, binigyan ko pa rin ng pagkakataon si Jay Sonza. Baka naman may hugot talaga ang mamang ‘to kaya nagpatuloy pa rin ako ng pagre-research.

Tinulungan daw ng SCL, ang Parent Company ng Cambridge Analytica, na Manalo ang Philippine President noong 2010

Sa artikulo na isinulat ng Rappler, sinabi doon na kine-claim ng Strategic Communication Laboratories na may partisipasyon sila sa 2010 Philippine Presidential elections at instrumento sila sa pagkapanalo ng kandidato.

Sa 2010 archived version ng kanilang website, sa “Case Histories” ng “Client Successes” section ng SCL Elections, nakasaad na “SCL Elections was asked to run the election campaign for a Presidential candidate; this included managing all aspects of the campaign including research, strategy and output over a seven-month period. SCL Elections successfully won the election for their candidate.”

Ngunit, hindi na ito makikita sa kasalukuyang website ng SCL.

Source: Rappler

Sa pagsisiyasat ng Rappler, napag-alaman nilang ang litrato ay kuha talaga noong May 2010.

Kasinungalingan!

Sa isang text message ni Butch Abad na syang tumayong campaign manager ni Noynoy Aquino, sinabi nyang, “I never heard of that group working with the campaign and never met anyone representing that group.”

Dagdag pa ni Abad, “To claim that they managed ‘all aspects of the campaign’ is a big lie. And the simple reason is that I never encountered that agency or anybody who claimed to represent them.”

Di rin daw alam ni Abad kung may mga grupo noong 2010 campaign ang gumamit sa SCL para tulungan ang kandidatura ni Noynoy.

Kung ginamit naman daw ng isang tao ang SCL, ayon kay Abad, hindi raw naman din mahirap malaman kung totoo ito lalo na kung kine-claim ng SCL na sila ang nag-manage ng kampanya.

Ano ang mga Puntos ng Rappler tungkol sa Claim ng SCL?

  1. Kung talagang naging parte ng 2010 Philippine elections ang SCL, hindi pa existing ang kontrobersyal na pamamaraan na ginamit ng Cambridge Analytica.
  2. Noong 2010, hindi rin existing ang Istratehiya Inc, ang local na kumpanya na sinasabi ng SCL na nagkaroon sila ng partnership. 2012 lamang na-establish ang Istratehiya Inc.
  3. Kahit na existing na ang SCL sa loob ng 25 years, sumikat lamang sila dahil sa Cambridge Analytica na sinasabing gumamit ng Facebook data para maimpluwensyahan ang mga voters noong 2016 US Presidential elections. 2014 lamang nakuha ng Cambridge Analytica ang mga datos sa Facebook. 2013 lamang na-establish ang Cambridge Analytica.
  4. Sinubukang hingan ng Rappler ng komento ang SCL pero nag-bounce back ang email.

Napakairesponsable ng pahayag ni Jay Sonza. Sayang. Dati rin naman syang myembro ng lehitimong media. Anyare?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *