Ice Seguerra Gusto Lang Magbanyo

ice seguerra

Maraming pakikibaka ang transgender community, ayon kay Ice Seguerra.

Ice Seguerra nagkwento ng kanyang karanasan

Dahil sa isyu ng diskriminasyon sa isang transwoman sa Cubao kamakailan, di napigilang ibahagi ni Ice Seguerra ang kanyang mga takot sa paggamit ng pampublikong palikuran.

RELATED: FROM 1 TO CARDEMA, GAANO KAKAPAL ANG MUKHA MO SA PANGUNGUNA SA NYC?

Ayon sa dating hepe ng National Youth Commission (NYC), kapareho lang din ang kanyang mga personal na pakikibaka sa iba pang tao sa transgender community. Di nya alam kung saang palikuran sya pupunta, lalong lalo na kapag nasa ibang bansa sya.

Ayon sa kanyang isinulat sa kanyang Instagram, “Honestly, this is one of my biggest fears whenever I’m out. Lalo na pag nasa Arabic countries ako. Pag sa pambabaeng banyo, ilang beses na akong pinalabas. And kung sa panlalaki naman, ang daming tanong, lalo na kung may mga Pinoy. Kapag may ASEAN events akong dinadaluhan nung nagtatrabaho ako sa NYC, hindi ako umiinom ng tubig buong araw kasi natatakot ako mag banyo.”

RELATED: Mapipilitang Pumili ang ASEAN sa Pagitan ng US at China

Di rin nya napigilang magkomento sa ilan nating mga kababayan na ipinagsasawalang bahala ang nangyaring pagkaaresto kay Gretchen Diez na isang transwoman sa Farmers Plaza.

Pinagbawalan kasing pumasok sa palikurang pambabae si Diez. Hinila pa sya ng gwardiya at dinala sa presinto. Ngunit, pinalaya rin naman dahil sa walang maikaso sa kanya.

Ayon kay Ice, “This is a real concern. Na hanggat hindi mo pa nararanasan, isasawalang bahala mo lang…Para sa iba mababaw, pero hindi eh. Hindi mababaw ‘yung pagtititnginan ka ng mga tao, lalo na ‘yung papalabasin ka. Parang kinakain ako ng lupa sa tuwing nangyayari ‘yun and what’s worse is I don’t feel safe.”

Maliwanag at simple lamang ang mensahe ni Ice Seguerra sa mga nagtatangi sa mga myembro ng transgender community: Gusto lang naming magbanyo.

 

Source:

CNN Philippines Staff. (2019, August 14). ‘Gusto lang namin magbanyo’: Ice Seguerra shares struggles of transgender community. Retrieved from CNN Philippines: ‘Gusto lang namin magbanyo’: Ice Seguerra shares struggles of transgender community