Government Trolls: Totoo Bang May Ganun?

government trolls

Sa Pilipinas, government trolls ang namamayani para patahimikin ang publiko.

Apat na klase ng fake news, kasama ang government trolls

Sa isang pag-aaral ng North Atlantic Treaty Organization (NATO), idinetalye ang apat na modelo ng disinformation sa Pilipinas, kasama na ang state-sponsored model na syang nagpapatahimik sa mga lehitimong dissenters at sa publiko.

Ayon sa nailathalang NATO Strategic Communications Center of Excellence, apat na klase ang fakes news factories sa bansa:

  • In-house staff
  • Advertising and public relations
  • Clickbait
  • State-sponsored

RELATED: Fake News Bill: Kailangan ba Talaga?

 State-SponsoredIn-house StaffAdvertising and PRClickbait
Politics-Profit MixPoliticalPoliticalPolitical and profit-drivenProfit-driven
Leadership and Strategic DirectionKontrolado ng chief of communicationsKontrolado ng chief of staffKontrolado ng chief strategistCommercially driven, base sa social media metrics
ClientGobyernoMga politikoMga politiko, political parties, at political donorWalang direktang politikong kliyente pero posibleng magkaroon ng campaign relationships
Revenue StreamPondo ng gobyernoPondo ng gobyerno kung incumbent; pondo ng politiko at donor kapag kalaban sa politikaCorporate and political projectsAdvertising technology gaya ng Google Adsense, FB Instant Articles, etc.
Categories of WorkersLead strategists and writersChief of staff and administrative workersStrategists, influencers, and community-level fake account operatorsAdministrators, creative team of researchers, writers, and social media managers
Main objectivesDiscredit opposition voices and mobilize support for administration policiesDefend the politician against attacks, attack opponents, and create an illusion of support and engagement of a politicianImage building, avert scandal, divert public attention, engineer virality, and hack public attentionMaintain high engagement to articles via shares and likes, grow follower base, generate income from advertisements
Data SourceRappler and Vera FilesArchitects of networked disinformation and digital disinformation trackerArchitects of networked disinformation and digital disinformation trackerDigital disinformation tracker

 

Sa pag-aaral nina Jonathan Corpus Ong, Associate Professor ng Global Digital Media ng University of Massachusetts Amherst at ni Jason Cabañes, Associate Professor ng Communication sa De La Salle University – Manila, ang state-sponsored propaganda model ay may basbas ng Pangulo para takutin at guluhin ang mga kritiko.

Mapapansing tinatawag na fake news ng Pangulo ang mainstream media. Ang kanyang pagkagalit ay kadalasang sagot nya sa mga di magandang ulat tungkol sa kanyang pamamahala at polisiya, lalong lalo na ang war on drugs. Pagkatapos, ginagamit ng government trolls ang kanyang mensahe para ipakalat sa social media.

Sa apat na modelo ng fake news, ang clickbait ang may intensyong kumita at walang pakialam sa politika. Malaki ang kita ng mga clickbait websites kaya may mga political influencers na rin ang naeengganyong gumamit ng ganitong papamaraan sa pamamagitan ng pag-share ng mga emotionally appealing pero misleading stories.

Samantala, ayon sa nasabing pag-aaral, mga beterano sa political campaigns at mga chief of staff ng mga politiko ang lider sa in-house staff model samantalang mga private donors o mga politiko ang nagbabayad sa mga disinfomation consultants para mag-troll sa public relations model.

Ang nagsasagawa ng pagpapalaganap ng fake news sa Pilipinas ay mga negosyanteng naghahanap ng mga kliyenteng politiko at mga korporasyon. Kadalasang hasa ang kanilang digital skills para sa ganitong trabaho. Ang troll ay hindi na kelangang magtago sapagkat empleyado sya ng in-house team ng politiko, ng PR firm, o ng isang digital marketing company.

RELATED: MGA ARAL NA PWEDENG MATUTUNAN SA PAKIKIPAGLABAN NG FINLAND SA FAKE NEWS

Hinimok ng mga author ng pag-aaral ang mga opisyal ng gobyerno na pag-aralan pang mabuti ang mga nangyayari sa trolling at magsulong ng mga repormang legal para malabanan ang fake news.

Ginagamit ng gobyerno ang pondo ng bayan para i-troll ang mga Pilipino. Pondong galing din naman sa ating mga Pilipino. Ok lang ba sa inyo un ha?

Source:

Casilao, J. (2019, December 6). 4 kinds of fake news in PHL, including state-sponsored trolling —NATO Stratcom study. Retrieved from GMA News: 4 kinds of fake news in PHL, including state-sponsored trolling —NATO Stratcom study