Good Lord! Wag naman po si Tito Sen! Wag Po! Wag Po! Wag Po!

Good Lord! Wag naman po si Tito Sen! Wag Po! Wag Po! Wag Po!

Psst! Si Tito Sen daw ang magiging Senate President, ayon sa chismax! Oh no!

Papalitan daw ni Tito Sotto si Koko Pimentel bilang Senate President

Maugong ang chismax na si Tito Sotto na ang magiging Senate President ngayong Marso. Papalitan nya si Koko Pimentel. Ito raw ay dahil sa may kasunduan ang dalawa na mag-share sila sa Senate Presidency.

Magpapalit daw sila ng pwesto. Si Tito Sen ang Senate President at si Koko Pimentel naman ang Majority Floor Leader.

Itinanggi ni Koko Pimentel na may Kasunduan sila ni Tito Sotto

Ngunit, itinanggi ito ni Senate President Koko Pimentel. Pero, sinabi rin nya na handa syang bumaba sa pwesto kung kinakailangan.

Itinanggi rin ni Pimentel na threatened syang mapalitan bilang Senate President matapos magreklamo si JV Ejercito na naitsapwera ang majority bloc sa listahan ng senatorial candidates ni Speaker Alvarez.

Ayon kay Koko Pimentel, “Hindi (ako threatened) kasi alam ko naman anytime dapat handa rin ako. I should be able to let go anytime. Ako ay magiging kandidato, pati yun ire-review ko kung ok lang ba na kandidato ako tapos SP din. Pag-uusapan namin yan.”

Gusto rin Naman ni Tito Sotto ang Maging Senate President

Noong May 2016, sa isang phone interview, sinabi ni Tito Sen na “I have friends in the Senate who are talking to me, who said I am being considered as their candidate for Senate President.”

Sabi nya, at least 11 senators ang susuporta sa kanya para maging Senate President sya.

Nainis pa nga sya dahil napag-alaman nya at that time na meron syang mga kasama sa partido (NPC) na susuporta sa kung sino man ang gusto ni Duterte na maging Senate President.

Ayon sa kanya, “NPC ako, hindi nila ako susuportahan? E di magpapaalam na ako sa partido.”

Paano nga ba Naging Senate President si Koko Pimentel?

20 senators ang bumoto kay Koko Pimentel para maging Senate President. Sina Chiz Escudero, Sonny Trillanes, at Koko Pimentel ay bumoto para maging Senate President si Ralph Recto samantalang absent naman si Allan Peter Cayetano.

If there’s smoke, there’s fire! Pwede po ba ipadala na ang 1,000 fire trucks sa Senado para mapatay na ang sunog na likha ng chismax na ‘to? Wag naman si Sotto, please?!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *