Gaano Kalaki ang Ibinaba ng Satisfaction Rating ni Duterte sa Class E Noong 1st Quarter ng 2018?

Gaano Kalaki ang Ibinaba ng Satisfaction Rating ni Duterte sa Class E Noong 1st Quarter ng 2018?

Nagpalabas na ang SWS ng satisfaction rating ni Digong para sa first quarter ng 2018. Bad news!

Very Good pa rin ang Satisfaction Rating ni Digong

 

Naipalabas na ang resulta ng satisfaction survey ng Social Weather Survey para sa 1st quarter ng 2018. Ayon sa resulta, 70% ang satisfied, 17% ang undecided, at 14% ang dissastified sa performance ni Duterte.

Kumpara noong December 2017, mas bumaba ang 1% ang satisfied, tumaas ng 2% ang undecided, at tumaas ng 1% ang dissatisfied. Kaya, bumaba ng 2% ang net satisfaction rating ni Duterte, kumpara noong December 2017. Para sa 1st quarter ng 2018, +56 ang net satisfaction rating nya, samantantalang +58 naman noong December 2017.

Nananatiling “very good” ang net satisfaction rating ni Duterte, ayon sa SWS.

Ano ba ang Dapat Nating Bigyan ng Pansin sa Resulta ng SWS Survey?

 

Bumaba ng 11% ang net satisfaction rating ni Duterte sa Kalakhang Luzon at bumaba ng 1% sa Metro Manila. Ngunit, tumaas ng 12% sa Visayas at 2% sa Mindanao.

Excellent pa rin ang rating ni Duterte sa Mindanao at very good pa rin sa Visayas at Metro Manila. Pero, good na lamang ang rating ni Digong sa Kalakhang Luzon.

Very good pa rin ang net satisfaction rating ng Pangulo sa mga kanayunan at urban areas. Very good pa rin sa social classes A, B, C, at D. Ngunit, good na lamang sa poorest of the poor.

Bumaba ng 3% ang net satisfaction rating ni Duterte sa class ABC. Mula +66 noong December 2017, naging +63% na lamang noong March 2018. Very good pa rin sa masa o class D at walang pagbabago sa puntos na +57.

Ngunit, masyadong malaki ang ibinagsak ng net satisfaction rating ni Digong sa Class E o ung poorest of the poor. Simula +65 noong December 2017, ang net satisfaction ay naging +48 na lamang. Bumaba ng 17 points!

Ano ang mga News Noong Panahong Kinuha ang Survey Noong March 23-27?

 

Ayon sa report ng Rappler, ang mga news worthy noong March 23-27 ay ang mga sumusunod:

  • Walang patumanggang rants ni Duterte laban sa ICC sa pagsisimula ng preliminary examination sa war on drugs
  • Warning ng NFA na malapit nang maubos ang stock ng NFA rice
  • Mga poorest of the poor ang naapektuhan sa sobrang pagtaas ng presyo ng bigas dahil sa kawalan ng suplay ng NFA rice sa mga palengke
  • Pinabulaanan ng mga SC justices ang paratang ni CJ Sereno na sila man ay hindi nag-submit ng kumpletong SALN

Paano Ini-report ng Media ang SWS Survey para sa 1st Quarter ng 2018?

Source: Google

Dahil sa isusulat ko nga ang resulta ng SWS survey, ginamit ko ang keywords “sws survey” sa Google News. Yan ang tumambad sa search ko. Iisa lang ang tema ng headline ng maraming media outfits. Kapansin-pansin na Rappler lamang ang may headline tungkol sa pagbaba ng rating ni Duterte sa mga pinakamahihirap na Pilipino.

Sabi ng isang kaibigan, nararamdaman na ng mga mahihirap ang klase ng pamamahala ni Duterte kaya umaaray na sila. Pag ipinasa ang 2nd tranche ng TRAIN law, mas bubulusok pa ang satisfaction rating nyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *