From 1 to Pontio Pilato: Ilang Beses Naghugas Kamay si Aguirre?

From 1 to Pontio Pilato: Ilang Beses Naghugas Kamay si Aguirre?

Kailan kaya mag-accept ng responsibility at accountability si DOJ Sec Aguirre? Palagay nyo?

Sa Kaso ng Pagbaba ng Kaso ng mga Police Officers sa Pagpatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr.

Sa isang pahayag ni DOJ Secretary Aguirre, “I did not have any hand in the drafting of the resolution being referred to by some Senators.” Dagdag pa nya, “I was not the one who resolved the matter. I was not the one who wrote it. I was not the one who signed it.”

Sa Kaso ng Acquittal ni former Palawan Governor Joel Reyes sa Pagpatay kay Gerry Ortega

Sabi ni Aguirre, “It is the OSG (Office of the Solicitor General) that is in charge of the case since it is on appeal.”

Sa Kaso ng Pag-abswelto kina Kerwin Espinosa, Peter Lim, at Iba Pa

Ayon kay Aguirre, “(H)indi alam ng marami ang procedure sa DOJ…Ang criminal investigation sa DOJ…ay nahahati…po sa dalawang level, ‘yong level ng national prosecution service, ito po’y katumbas n’ong ating mga prosecution offices sa probinsiya at…sa mga syudad…Dito po sa Manila, tawag d’yan, national prosecution service. Ngayon, ito pong level na ito ay…maaaring mayroon po itong autonomy, parang independent.

Dagdag pa nya, “Halimbawa, ako ang Supreme Court, hindi makikialam ang Supreme Court sa mga kasong hinahawakan ng…RTC (regional trial court) or even MTC (municipal trial court).”

Sa isang panayam, sinabi rin ni Aguirre na “I don’t know if the intention is to humiliate me, but definitely the intention is not good.”

Sa Pakikipag-meeting nya kay Jack Lam sa Shangri-la Hotel sa Taguig

Sa “Ikaw na ang bahala” na diumano’y tinuran ni Aguirre kay Argosino, paliwanag ni DOJ Sec Aguirre, “In fact, I could not remember uttering to Argosino those words.” Dagdag pa nya, “And even if it’s true, perhaps I uttered it casually as I was in a hurry to attend a meeting in the same hotel and for no other reasons. I may have uttered it as I was in a hurry. It was not an instruction to do illegal things.”

Marami-rami na ring issues na kinasangkutan ‘tong si Aguirre. Kailan kaya patatalsikin ‘to sa pwesto? Nabasa ko sa news eh mukhang tatakbong Quezon Governor daw. Naghahanda na sa tinututulang Federalismo?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *