From 1 to Andanar: Gaano Ka-Incompetent ang Departamento Mo?

From 1 to Andanar: Gaano Ka-Incompetent ang Departamento Mo?

Dahil sa panibagong blooper, napa-research tuloy ako kung ilan na ba ang kabulastugan ng PCOO ni Andanar?

Pleasing Personality

Source: GMA News

Noong July 2017, nag-trending sa social media ang letter of invitation na pirmado ni PCOO Assistant Secretary Kissinger Reyes para sa Pamantasan ng Lunsod ng Maynila. Sa naturang liham, naghahanap ng volunteers ang PCOO ng volunteers para sa 50th Anniversary Celebration ng ASEAN.

Sexist ang liham sapagkat may requirement ang volunteers. Dapat babae at dapat may pleasing personality. Ganun din, saklap din ng pagkakagamit ng English sa sulat na un.

Sabi ni Reyes, “I did not see that letter and my staff in her overeagerness to serve, basically used my digital signature. I was not able to get that letter.

“Martial Law. Now.” Propaganda Video

Agad ding binura ng Presidential Communications Operations Office noong May 2017 ang propaganda video para sa Martial Law. Binatikos ito ng mga netizens dahil sa napakababang kalidad ng animation na ginamit. Marami rin ang nagpahayag ng saloobin tungkol sa mensaheng gustong iparating ng PCOO.

Ginawan tuloy ng ibang netizens ng memes ang nasabing kapalpakan ng grupo ni Andanar.

Mocha’s Letter to Andanar about Rappler

Nagpyesta rin ang netizens sa klase ng grammar ni Mocha sa liham nito kay Andanar tungkol sa reclassification ng Rappler.

Source: Mocha Uson’s Twitter

In-edit naman ni UP Associate Professor at journalist Danila Arao ang nasabing liham ni Mocha Uson.

Source: Danilo Arao’s Twitter

Sinagot din naman ng Rappler ang memo na ito ni Mocha. Ang Rappler ay isang independent private media company at ginagarantiyahan ng 1987 Constitution ang freedom of the press. Ganun din, ang Malacañang Press Corps ay isang independent group at hindi kontrolado o under supervision ng gobyerno o ng PCOO. Tungkol sa accreditation ni Mocha, sabi ng Rappler, ang Interim Social Media Practitioner Accreditation ay para lamang sa mga indibidwal at hindi sa news organization.

EDSA Fake News

Nagkaroon ng Facebook poll si Mocha Uson sa kanyang page. Nagtanong sya kung “Naniniwala ba kayo na ang 1986 EDSA PEOPLE POWER ay isang produkto ng FAKE NEWS???”

Mocha uson's facebook poll

Source: Mocha Uson Blog Facebook

Nagkaroon tuloy ng sariling survey si Ethel Booba.

Ethel Booba's twitter poll about Mocha Uson's facebook poll

Source: Ethel Booba Twitter

Napilitang ding magbigay ng pahayag si Presidential Spokesperson Harry Roque tungkol sa pa-survey na ito ni Mocha Uson.

Ayon kay Roque, “Well, according to the law, it is not fake news. According to the law, we honor the Edsa Revolution having declared it as a public holiday.”

Patola ang PCOO sa Endorsement ni “President Lodi” kay Bong Go

Without even checking, ipinadala ng PCOO ang transcript ng interview ni Bong Go sa DZRH radio program nina Deo Macalama and Atty. Cherryl Adami-Molina. Ayon sa ipinadalang transcript, ito raw ay “interview with President Rodrigo Duterte by Deo Macalma/Rica Herra/Isyu/DZRH March 19, 2018/9:21 – 9:27 A.M.”

Nagpadala muli ang Palace’s News and Information Bureau (NIB) ng email sa mga reporters para sabihing, “The transcription titled Interview with President Rodrigo Roa Duterte by Deo Macalma and Rica Herrera over DZRH on March 19, 2018 should read, Interview with Impersonator of President Rodrigo R. Duterte. Apologies for the error-NIB Transcription Section.”

Nakakarinding Grammatical Errors sa ID ng Press na Na-Issue ng PCOO

Kamakailan lamang, nag-trending naman ang nakakasukang English sa media ID na pinamigay ng PCOO.

Source: SunStar

Muling ipinasamsam ng PCOO ang mga IDs. Nag-issue din ng statement si Martin Andanar tungkol sa pangyayari.

Ayon sa kanya, “[It’s a] breach of protocol on four counts: First, staff did not show the backflip of the ID to me. Second, IPC (International Press Center) did not return the final design for my approval. Third, IPC used an e-signature without my permission. [And] fourth, IPC used the wrong e-signature.”

Paulit ulit na pagkakamali. Paulit ulit na pagsasayang ng oras, effort, at resources. Hindi katanggap-tanggap ang ganitong mga magpapakamali, sa totoo lang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *