Duterte: Wag nang Ipilit pa ang Federalismo, Pwede?

Duterte: Wag nang Ipilit pa ang Federalismo, Pwede?

Yung point na ibinuhos na ang pondo para sa kampanya for Federalism pero ayaw pa rin ng mga Pilipino dito, priceless!

Pulse Asia: No to Federalism

Nag-survey ang Pulse Asia noong March 23 to 28, 2018 para alamin ang pulso ng bayan tungkol sa Charter Change.

Para sa March 2018, halos 50/50 ang awareness tungkol sa pagbabago ng Konstitusyon. Ito ay mas mataas ng 8% kumpara noong July 2016.

Mas mataas ang awareness ng pagbabago ng Saligang Batas sa Class ABC samantalang Class E o yung mga nasa laylayan ng lipunan ang may pinakamababang awareness.

Sa Visayas region ang pinakamababang awareness tunkol sa Charter Change samantalang pinakamataas ang awareness sa Luzon, hindi kasama ang NCR.

Source: Pulse Asia

 

Napag-alaman din ng Pulse Asia na 64% ng mga Pilipino ang hindi naniniwalang kelangang baguhin ang 1987 Constitution sa panahon ngayon.

Sa other parts of Luzon, pinakamataas ang porsyento (71%) ng mga Pilipinong hindi naniniwalang may pangangailangan na baguhin ang Saligang Batas ngayon.

Ang Class D naman ang may pinakamataas na porsyento (68%) na naniniwalang hindi kailangang baguhin ang 1987 Constitution sa ngayon.

Source: Pulse Asia Website

Mapapansin din sa survey results na malaking porsyento (75%) ng mga Pilipino ang kokonti o walang alam tungkol sa 1987 Constitution. Malaking porsyento (82%) ng mga Pilipino sa Mindanao ang salat ang kaalaman tungkol sa Saligang Batas. Ganun din, ang Class E o ang mga nasa laylayan ng lipunan ang may pinakatamataas na porsyento (82%) ng walang wastong kaalaman tungkol sa 1987 Constitution.

Source: Pulse Asia Website

Tungkol naman sa isinusulong na Federal System of Government, 71% ng mga Pilipino ang konti o walang alam tungkol ditto. Mas marami (79%) sa mga Pilipino sa Luzon ang walang kamalayan sa isinusulong na Federalismo. Samantalang, 75% ng mga nasa laylayan ng lipunan ang kulang o walang kaalaman tungkol sa isinusulong na pagpapalit ng sistema ng gobyerno.

Source: Pulse Asia Website

66% ng mga Pilipino ang hindi pabor sa pagbabago ng Saligang Batas para mag-shift sa Federalism. Malaking porsyento ng mga Pilipino (75%) sa other parts ng  Luzon ang hindi payag sa pag-shift sa Federalism. Ganun din, malaking porsyento (71%) ng Class ABC ang ayaw sa Federalism.

Source: Pulse Asia Website

Malinaw ang pulso ng bayan.  Ayaw nila sa Charter Change. Ayaw nila sa Federalism. Wag sanang makulit si Duterte, hane?!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *