Duterte: May Sayad na Pangulo Nga Ba?

Duterte: May Sayad na Pangulo Nga Ba?

May toyo? May topak? May sayad? Patingnan na yan para magkaalaman na!

UN Rights Chief Zeid Ra’ad Al Hussein: Duterte Needs Psychiatric Evaluation

Source: News5

Dahil daw sa mga sinabi at ginawa ni Digong, dapat daw magpa-psychiatric evaluation ito. Kasi nga, dumale na naman sa pagkatalakitok si Tatay Digong.

Sa isang pakikipag-usap sa kinatawan ng Pilipinas sa UN Human Rights Council kamakailan, sinabi ni Zeid na binantaan ni Duterte na sasampalin nya si UN special rapporteur on extra-judicial killings Agnes Callamard. Ayon kay Zeid, isang malaking kahihiyan ng Pangulo ng isang bansa na gumamit ng foul language laban sa isang respetadong UN rapporteur.

Binanggit din ni Zeid ang kasong terorismo na isinampa ng DOJ laban kay UN Special Rapporteur on the Rights of Indigenous People Victoria Tauli Corpuz. Inaakusahan ng DOJ na myembro ng NPA si Corpuz. Ayon kay Zeid, naniniwala si Corpuz na target sya ng rehimeng Duterte dahil sa mga komento nya tungkol sa pagpatay ng indigenous people sa Mindanao kung saan nagdeklara si Duterte ng Martial Law.

Suportado ni Sonny Trillanes ang Psychiatric Evaluation ni Duterte para sa Kapakanan ng Pilipinas

Sinang-ayunan ni Senator Antonio Trillanes V ang tinuran ni UN Human Rights Chief Zeid Ra’ad Al Hussein na kelangang magpa-psychiatric evaluation si Duterte. Ayon sa senador, “His murderous and erratic ways plus his crass, twisted, and perverted statements are indicative of a deeply sick mind.”

Hindi nga naman kasi normal ang magbitaw ng mga pananalitang hindi naaayon sa kagandahang asal na nakagisnan nating mga Pilipino.

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *