Duterte: Ang Abugadong Di Sumusunod sa Batas

Co-owners naman ng West Philippine Sea ang banat ni Tatay Digs nyo?!

Sa isang pagtitipon sa Marawi, sinabi ni Duterte na ang joint exploration ng West Philippine Sea kasama ang China ay maihahalintulad sa “co-ownership”. Dalawa raw ang may-ari ng West Philippine Sea. Mas maganda raw un kaysa sa away.

Dagdag pa nya, kung inasar daw nya noon ang China at pinagpu-put*ng ina nya sila, wala raw mangyari. At talagang proud pa si Tatay nyo ha?

Ang West Philippine Sea ay para sa mga Pilipino

Di na naman na-inform si Tatay Digong nyo, aba! Maliwanag ang sinasabi ng 1987 Constitution tungkol sa mga yaman ng Pilipinas. Ang mga resources sa loob ng exclusive economic zone ay para sa mga Pilipino.

Gaya rin ng sinasabi ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio, ipinagbabawal ng 1987 Constitution ang “joint development” sa mga resources sa exclusive economic zone ng bansa.

Noong 2016, naipanalo na ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration na atin ang West Philippine Sea. Naturingang abogado si Duterte pero hindi sya marunong sumunod sa ipinag-uutos ng batas at ng korte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *