DUTERTE AMINADONG MAHIHIRAP LAMANG ANG NAPATAY SA KANYANG DRUG WAR

Sa panahon ni Duterte, nauubos ang mga mahihirap sa isang programa ng war on drugs. Ang problema, namamayagpag naman ang mayayaman sa droga. Anyare?

Duterte: Maraming mahirap na Pilipino ang namatay sa laban kotra sa droga

Maraming Pilipino ang naging biktima ng programa ng gobyerno kontra droga. Inamin ito mismo ni Duterte pero may pautot naman sya.

Ayon sa kanya, shabu ang gamit ng mga mahihirap at wala naman silang mapagtataguan.

Samantala, ang mga mayayaman ay gumagamit ng cocaine at ay may mga yate at nakatira sa mga mansion sa gated subdivisions na pwede nilang pagtaguan kapag gumagamit sila.

Ang mga mahihirap ng Tondo ay agarang napapansin kapag gumagamit ng shabu.

RELATED: Duterte: Walang Hustisya para sa mga Napatay sa War on Drugs

Ayon sa datos ng gobyerno may 5,000 mahirap na Pilipino ang napatay sa laban kontra sa droga. Ngunit, ayon naman sa mga kritiko at mga human rights groups, higit pa rito ang bilang ng mga biktima.

Ayon sa isang pag-aaral noong June 2018, marami sa mga napatay sa war on drugs ay mga drayber ng tricycle, pedicab, at jeep. Ang ilan din sa mga biktima ay barkers, tindero, construction workers, magsasaka o basurero. Ang ilan din ay walang trabaho.

Noong maging Pangulo si Duterte, nasa 3M drug addicts ang bilang ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency.

Matapos ang tatlong taon, sabi ni Duterte nasa 7M Pilipino na ang lulong sa ipinagbabawal na gamot. Nangako syang di sya titigil hangga’t di nasusugpo ang problema sa droga.

RELATED: Kung Laganap pa rin ang Shabu Kahit May War On Drugs, Palpak si Duterte

So, maging si Duterte, aminado syang di epektibo ang laban nya kontra droga dahil imbes na kumonti ay lalo pang dumami.

Puro mahirap ang napapatay at nagdiriwang ang mga kapwa nila mahirap. Safe daw sila, sabi nila. Samantala, patuloy naman ang paggamit ng mga mayayaman ng cocaine. Peke ang war on drugs ni Duterte. Ang kanyang programa ay war on the poor.

Source:

Maru, D. (2019, June 13). Duterte admits many poor Pinoys killed in drug war. Retrieved from ABS-CBN News: Duterte admits many poor Pinoys killed in drug war