Dumadami ang mga Grupong Gustong Patalsikin si Duterte?

Dumadami ang mga Grupong Gustong Patalsikin si Duterte?

Dulo dulo nyan, buong bansa na ang may gusto, pwamis!

May Malaking Koalisyon na Gustong Patalsikin si Duterte

Ayon sa mga military, may malawak na koalisyon ang mga komunista, Coalition for Justice ni dating CJ Sereno, Tindig Pilipinas, LP, at Trillanes para patalsikin sa pwesto si Duterte.

Ito ang rebelasyon ni AFP Chief of Staff Carlito Galvez Jr at AFP Assistant Deputy Chief of Operations Brig. Gen. Antonio Parlade.

Ayon kay Parlade, ang mga grupo na may planong tanggalin si Duterte sa pwesto ay sina Rey Casambre na consultant ng mga komunistang rebelde, Satur Ocampo, CFJ, at Tindig Pilipinas.

Ayon kay Galvez, may “Aklasan” na plano ang grupo at papasukin nila lahat ng labor organizations ng iba’t ibang kumpanya at magpapatupad ng aklasan o strike.

Ito ay plano sa buong bansa para magsarado ang mga pabrika at napasok na nga ang mga labor groups.

Halimbawa, napasok na ng mga left-leaning organizations ang NutriAsia sa Marilao, Bulacan.

Sinusubukan ding magkaroon ng Aklasan sa Monde-Nissin, PLDT, at Jollibee. Ito ay malawakang pagtatangka para sa destabilisasyon. Isinabay nila sa selebrasyon ng Martial Law.

Nagkakaroon ng konsolidasyon sa kanilang hanay para sa 50th Anniversary ng Communist Party of the Philippines ngayong Disyembre.

Sa isa pang panayam kay Parlade, sinabi nyang may mga nakuhang dokumento na may alyansa ang Tindig Pilipinas at Movement Against Tyranny para sa Aklasan.

Plano talagang patalsikin si Duterte at magkakasama rito ang mga oposisyon, LP, kampo ni VP Leni, at si Trillanes.

Umalis sa alyansa ang Tindig Pilipinas dahil ayaw nilang makasama ang mga komunista.

Ginagamit ng grupo ang mga isyu ng EJKs, Martial Law, at tyranny sa media at oposisyon.

Humahaba ang listahan ng AFP ah. Paki-check mabuti. Baka parang drug matrix lang ni Duterte yan.

 

 

Source:

Wakefield, F. (2018, September 23). Galvez, Parlade reveal broad coalition allegedly engaged in Duterte’s ouster.

Retrieved from Inquirer: https://news.mb.com.ph/2018/09/23/galvez-parlade-reveal-broad-coalition-allegedly-engaged-in-dutertes-ouster/

3 thoughts on “Dumadami ang mga Grupong Gustong Patalsikin si Duterte?”

Comments are closed.