Diño VS House of Representatives: Sino ang WINona Ryder?

Diño VS House of Representatives: Sino ang WINona Ryder?

Sumusunod talaga sa yapak ni Duterte si Diño. Tsk tsk tsk

Usok Ilong ng Ilang Mambabatas kay DILG Undersecretary Martin Diño

Nag-privilege speech si Batangas 2nd District Representative Raneo Abu para kwestyunin ang mga pinagtatalak ni Diño laban sa ilang mambabatas noong Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Ayon kasi kay Diño, mga 100 congressmen daw ang namili ng boto noong nakaraang eleksyon.

Ayon kay Abu, “Nais kong hilingin sa kapulungang ito na maipatawag si Usec. Diño ng tama nating komite sa House of Representatives.”

Sabi rin ni Abu, “Kung hindi, ang secretary of DILG na kanya pong sabihan si Usec Diño na ilabas ang pangalan ng isang daang myebro ng HOR na kanyang pinaparatangan pero kasabay nito ay magbigay sya ng sapat na ebidensya itong ay may paglabag sa election laws.”

Ayon kay Abu, lahat daw silang mambabatas sa House of Representatives ay niyurakan ang dangal dahil sa pagsasalita ni Diño.

Kasuhan ni Diño ang mga Opisyales na Lumabag sa Election Laws

Ayon kay Akbayan Representative Tom Villarin, “I think DILG Asec Martin Diño should let his hands do the talking not his mouth by filing cases against those who violated election laws in the recent barangay polls.”

Dagdag pa ni Villarin, “The DILG should know better and [be] prepared to prevent or even mitigate these things from happening prior to the elections through a vigorous information drive about the non-partisan nature of barangay elections.”

Ayon pa rin kay Villarin, “But sadly, they are remiss of such duties as they are too focused on federalism that our electorate strongly disapproves [of] in recent surveys.”

Ayon naman kay Ifugao Representative Teddy Baguilat, sinusuportahan daw nya ang DILG kung ito ay talagang seryoso na magsampa ng kaso laban sa mga politiko na lumabag sa election laws.

Dagdag pa ni Baguilat, “Be that as it may, Usec Martin Diño, being a party official of PDP-Laban, should address this concern to his party.”

Uso na talaga sa rehimeng Duterte ang basta basta magpalabas ng statement. Bahala na kung sino ang masasagasaan. Walang responsibility at accountability sa mga binibitawang salita. Tama naman ang sinabi ng mga mambabatas. Kung talagang may pruweba, kasuhan na.

Wag na magdadakdak sa harap ng kamera! Papogi lamang kasi kung puro talakathon si Diño. Ang kaso, di naman sya pogi!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *