Martin Diño: Balak Gawing Institusyon ang mga Chismoso’t Chismosa ng Barangay

Martin Diño: Balak Gawing Institusyon ang mga Chismoso’t Chismosa ng Barangay

Napakaraming pautot.com ng rehimeng Duterte talaga.

Magkakaroon daw ng Barangay News Reporters sa Lalong Madaling Panahon

Ayon kay DILG Undersecretary Martin Diño, magre-recruit daw ang gobyerno ng higit sa 42,000 tsismoso’t tsismosa, este barangay news reporters pala.

Sa panayam kay Diño, Si (Communications) Secretary Martin Andanar, may project kami na ilulunsad. Magkakaroon ng reporters, 42,000 reporters na tuturuan ng barangay journalism.”

Sisiguraduhin daw ng mga barangay reporters na may transparency sa barangay. Ang recruitment daw ng barangay reporters ay parte ng government satellite network ng Presidential Communications Operations Office.

Noong December 2017, nagpalabas ng memo ang DILG para sabihing ang mga public information officers sa mga probinsya hanggang sa mga barangay ay magkakaroon ng citizen journalism training na ibibigay ng TESDA. Mayroon na raw budget ang PCOO para rito, ayon kay Diño.

PCOO at PNA Nagkaroon ng Journalism Training

Matatandaang noong September 2017 ay nagkaroon ng public information and journalism training ang mga opisyales at staff ng PCOO, Philippine News Agency, at News and Information Bureau dahil sa sanrekwang kapalpakan ng mga ito.

Ayon kay PCOO Undersecretary Joel Sy Egco, “While the lack of personnel and the competence of the editors and staff need to be addressed, what remains fundamental is the organization and orientation of the PNA.”

Ang training ay para mapahusay ang writing and editing skills ng mga participants, pati na rin para mapalalim ang kanilang pagkaintindi sa public information and editorial independence.

So, ayan! Asahan po natin ang pagpapaigting ng tsismis sa barangay. Siguraduhin lamang po na tama ang grammar ng anumang isusulat!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *