DFA: Sino Ngayon ang Sasagip sa mga Sumagip?

Ung ikaw na nga ang tumulong, pero ikaw pa ngayon ang naiipit?! Di ba dapat si Cayetano ang ipalit?

Update: Napalaya na ang 4 drivers na inaresto sa Kuwait sa pakikipag-ugnayan ni DOLE Secretary Bello at Presidential Spokesperson Harry Roque.

Source: GMA News

Ano na nga ba ang Nangyari sa mga Rescuers ng OFW sa Kuwait?

Ayon kay DFA Secretary Alan Peter Cayetano, nagsasagawa ng sensitive negotiations ang Pilipinas at Kuwait para mapalaya ang 3 Filipino diplomats na posibleng maaresto dahil sa pagsagip sa mga diumano’y inabuso na mga Filipino maids sa mga tahanan ng kanilang among Kuwaitis. Kinasuhan ng Kuwait government ang 3 Filipino diplomats na ‘to ng kidnapping.

Matatandaang nagalit ang Kuwait government dahil sa video na nag-trending online tungkol sa rescue mission. Ayon sa kanila, ang rescue mission ay isang paglabag ng kanilang sovereignty.

Sa ngayon, ayon kay Cayetano, nagkakaroon ng negosasyon para ayusin ang bilateral ties matapos mag-file ng protest ang Kuwait sa paglabag sa diplomatic protocols at pagpapalayas kay Ambassador Renato Pedro Villa.

Ayon kay Cayetano, ang kilos ng mga nasabing diplomatic staff ay “restricted”, ngunit di naman daw sila under threat. Umuusad din daw ang anumang pagsisikap para maresolba ang isyu.

Ganun din, apat na Filipino na kinuhang drivers sa rescue mission ang agarang naaresto ng Kuwaiti authorities.

Ayaw ibigay ng Philippine embassy sa Kuwaiti authorities ang mga pangalan ng involved sa rescue mission dahil sa seguridad ng mga ito.

Ayon kay Cayetano, “But they have identified some people [involved], so as a precaution they stayed in the embassy. And there’s a pronouncement of the Ministry of Interior that there will be an investigation and possibly kidnapping” charges.

Ayun din kay Cayetano, nananatiling bukas ang Philippine Embassy sa Kuwait para pagsilbihan ang mga OFWs dun. Isang senior official daw ang namamahala ngayong wala na si Ambassador Villa.

Cancelled ang Trip nina DOLE Secretary Silvestre Bello III at Iba pang Cabinet Members

Hindi na matutuloy ang ibinabanderang trip ni DOLE Secretary Bello kamakailan para malaman ang kondisyon ng mga OFWs sa Kuwait.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, “None, there’s no such trip…We defer on all diplomatic initiatives to the DFA.

Kung matuloy man daw ang trip, ito ay assessment mission para malaman kung paano makakausad ang dalawang bansa. Dagdag pa ni Roque, “So, it’s really exploratory. We want to feel the water, so to speak.

Private na raw Status ng Memorandum of Understanding sa Pagitan ng Pilipinas at Kuwait

Matatandaang bago pa nangyari ang super failure na OFW rescue mission, may plano nang magkaroon ng Memorandum of Understanding (MOU) ang Pilipinas at Kuwait para sa mas maayos na treatment ng mga OFWs.

Nung tinanong si Cayetano tungkol sa status ng MOU, “We are moving forward, but we are doing it in private.

Dahil sa pagpapapampam ng ilang tao sa pamahalaan ni Duterte:

  • 4 Filipinos na nagsilbing drivers sa rescue missions ang nakakulong sa Kuwait
  • 3 Filipino diplomats ang naka-house arrest sa Philippine Embassy
  • Hindi na matutuloy ang trip ng grupo ni Bello para kumustahin ang mga OFWs
  • in private” na lamang ang negosasyon tungkol sa Memorandum of Understanding
  • Nasa balag ng alanganin ang estado ng mahigit 260,000 OFWs

 

Isa lang naman ang malinaw dito: hindi kaya ng powers ni Cayetano ang sitwasyon sa Kuwait!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *