Dengvaxia Di Solusyon Kundi Prevention

dengvaxia prevention

Ang daming nakikialam sa isyu ng Dengvaxia. Di naman mga eksperto. Tsk tsk tsk

Bong Go: Magpaturok ng Dengvaxia ang mga opisyal ng FDA at health experts

Ayon kay Bong Go, para patunayang ligtas ang bakuna sa dengue, dapat magpaturok ang mga myembro ng Food and Drug Administration (FDA) at ibang health experts dito.

Nasabi ito ni Go matpas sabihin ni Duterte na bukas sya sa muling pagpapapasok ng nasabing bakuna sa Pilipinas matapos magdeklara ang Department of Health (DOH) ng national dengue epidemic kamakailan.

RELATED: Dengvaxia Di pa rin Gagamitin ng DOH

Ayon sa datos ng DOH, 146,000 kaso ng dengue na ang naitala hanggang July 20 ng kasalukuyang taon. Ito ay doble sa naitalang kaso noong isang taon.

Ayon sa senador, di sya kumbinsido sa bisa ng Dengvaxia kaya dapat magpaturok muna ang mga eksperto para kumbinsihin sya.

Si Bong Go ang Chairman ng Senate Health Committee.

Matatandaang nawalan ng lisensya ang Sanofi na magbenta ng nasabing bakuna sa Pilipinas matapos itong i-revoke ng FDA noong Pebrero.

Noong isang taon, inamin ng manufacturer na posibleng magkaroon ng malalang sintomas ang sinumang gumamit ng bakuna na di pa nagkakaroon ng dengue. Ang problema, sinabi ito sa panahong higit sa 800,000 bata na ang nabakunahan.

Nagkaroon ng Dengvaxia scare at konti na lamang ang nagpabakuna sa buong bansa kaya nga nagkaroon din ng outbreak sa measles dahil di rin pinabakunahan ng mga magulang ang kanilang mga anak para rito.

Sinampahan din ng kaso si dating Pangulong Noynoy Aquino, dating DOH Secretary Janette Garin, at iba pang dating opisyal ng gobyerno dahil sa Dengvaxia scandal.

Iniugnay din ng Public Attorney’s Office (PAO) ang kamatayan ng 30 katao sa nasabing bakuna, ngunit wala pa namang napapatunayan na ito nga ang ikinamatay nila.

Leni Robredo: Pabayaang ang mga eksperto ang magsuri

Ayon kay Vice President Leni Robredo, pabayaan sa mga medical experts ang desisyon kung ipapagamit ba ang bakuna o hinde.

Inirekomenda ng mga doktor na bihasa sa infectious diseases na ipagamit ang Dengvaxia sa kung sinuman ang may gusto. Di naman kelangang ipolitika ang isyu.

Di makakatulong sa epidemya ang Dengvaxia

Ayon sa pagsusuri ng mga government at pribadong doktor, di na mapipigilan ng nasabing bakuna ang national epidemic. Kailangang pagtuunan na lamang ng pansin ng mga Pilipino ang pag-iwas at napapanahong pamamahala ng dengue.

RELATED: Bakit Mali si Aling Persing sa mga Pinagsasabi Nya Tungkol sa Dengvaxia?

Kahit naman tanggalin ng gobyerno ang ban sa nasabing bakuna, buwan pa ang bibilangin bago ito mabili ng publiko.

Ayon kay DOH Undersecretary Rolando Enrique Domingo na syang officer-in-charge sa FDA, kailangan pa ang masusing pag-aaral dito.

Posibleng magdesisyon si DOH Secretary Francisco Duque III bago ang August 19, ngunit kailangan pa ang tatlong buwan bago pa mabili ang bakuna sa merkado.

Di rin naman magagamit ang nasabing bakuna sa mass immunization program dahil para lamang ito sa batang may edad siyam na taong gulang pataas na nagkaroon na ng dengue.

Ayon sa Presidente ng Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines na si Anna Lisa Ong-Lim, hindi masosolusyunan ng bakuna ang mga kaso ng dengue ngayong taon.

Pero, pwede itong maging parte ng preventive strategy. Kung kailangan ng mabilisang epekto, kailangan ang pag-iwas, maagang pagkilala, at napapanahong pamamahala sa problema ng dengue.

Ayon kay Domingo, inaasahan na ang pagtaas lalo ng kaso ng may dengue dahil hanggang November pa ang peak season nito.

Rekomendasyon ng World Health Organization (WHO)

Ayon kay Duque, hindi rin inirerekomenda ng WHO ang paggamit ng Dengvaxia bilang solusyon sa epidemya hangga’t walang masusing pagsusuri para malaman kung nagkaroon na ng dengue ang isang tao o hindi pa.

Ganun din, ang bakuna ay hindi para sa mga batang edad 5 – 9 years old na syang kadalasang biktima ng dengue. Mahal din ito. 1,000 piso ang halaga nito kada turok.

Kulang na kulang sa kaalaman ang maraming Pilipino. Pinapalala pa ito ng kung sino sinong pumupulitika sa usapin ng Dengvaxia. Pabayaang mga eksperto at di politiko ang magdesisyon!

 

Sources:

De Guzman, C. (2019, August 11). Leave it to experts to assess Dengvaxia use, Robredo says. Retrieved from CNN Philippines: Leave it to experts to assess Dengvaxia use, Robredo says

Tiangco, M. (2019, August 10). Go dares FDA officials, health experts to vaccinate themselves with Dengvaxia. Retrieved from Manila Bulletin: Go dares FDA officials, health experts to vaccinate themselves with Dengvaxia

Yee, J. (2019, August 11). ‘Dengvaxia will not help solve epidemic’ — doctors. Retrieved from Inquirer: ‘Dengvaxia will not help solve epidemic’