Davao City: The Land of the Fake?

Davao City: The Land of the Fake?

Ang tapang tapang ni Duterte pero bakit ang daming fake sa Davao City? Hindi ba sila natatakot kay Digong?

Exhibit #1: Fake Dentists

Joelan and Rezil Estoy – kinasuhan ng paglabag sa RA 9484 o “An Act to Regulate the Practice of Dentistry in the Philippines. Nahuli noong August 2017.

Alma Zuluaga – kinasuhan ng paglabag sa RA 9484 o “An Act to Regulate the Practice of Dentistry in the Philippines. Nahuli noong October 2017.

Exhibit #2: Fake IDs

Ayon sa report noong May 2017, higit kumulang 1,000 katao ang may fake ID sa Davao City. May mga printing establishments sa naturang lugar ang nag-iimprenta ng fake IDs para sa mga mamamayan.

Noong June 2017, nahuli si Mark Anthony Montecalvo Pasion na nag-iimprenta ng fake IDs sa Davao City.

Exhibit #3: Fake Cigarettes

Noong November 2016, 55M pesos na halaga ng fake cigarettes ang nasabat sa 8 warehouse sa Davao City.

Noong July 2017, anim na Chinese nationals ang nahuli dahil sa 18M pesos na halaga ng fake cigarettes sa mga warehouse sa Davao City.

Ngayong March 2018, 2M pesos na halaga ng fake cigarette ang nasabat sa isang tahanan sa Davao City.

Exhibit #4: Fake Wedding Organizers

Noong November 2017, naloko sina Ena Marie Oliveros and Michael Dizon ng isang RB Miguel na nagpanggap na wedding organizer. Dahil dito, nagpalabas ang Davao Event Suppliers Association (DESA) ng babala dahil ayon sa kanila humigit kumulang 30 couples na ang naloloko simula noong Hunyo hanggang November 2017.

Exhibit #5: Fake Wanted Individuals

Noong December 2017, nagsulputang parang mushrooms sa mga kalye ng Davao City ang mga “Wanted” posters ng mga aktibista na diumano’y may mga kriminal na kaso. Ngunit, ang mga kasong “illegal detention” sa mga aktibistang ‘to ay na-dismiss na noon July 2016.

Exhibit #6: Fake Names and Addresses of Smoking Ban Violators

Ayon sa report noong February 2018, humigit kumulang 75% na kaso ng mga smoking ban violators ang na-dismiss dahil sa pagbibigay ng mali o incomplete na pangalan at address ng mga nahuhuli.

Marami pang mga news articles tungkol sa mga “fake” sa Davao City pero pinili ko lamang ung mga stories simula nung naging Pangulo si Digong. Ang punto ko lamang dito, binabandera nyong “safest city” ang Davao City noong kampanya. Paanong naging “safest city” kung sanrekwa ang “fake” sa inyo?

PS:

Bago kayo mang-away, basahin nyo muna ung mga links sa bawat “fake” na inilista ko rito. Galing yan sa mga lehitimong news sources. Hindi ko pinulot ang mga yan sa kung saan saan lamang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *