Cesar Montano: Ang Bagong Karinderya King!

Cesar Montano: Ang Bagong Karinderya King!

Narinig nyo na ba ang l8est? Si Cesar Montano… Karinderya King na!

Tigok na ang Madrid Fusion Manila

Sa isang panayam kay Tourism and Promotions Board Chairman Cesar Montano, hindi na raw itutuloy ang Madrid Fusion Manila ngayong taon na ‘to.

Ano ang Madrid Fusion Manila?

Ang Madrid Fusion Manila ay ang kauna-unahan at nag-iisang edition ng Madrid Fusion sa Asia. Ito ay tinuturing na pinakaimportanteng culinary event sa buong mundo. Ito ay ipinagdiriwang taun-taon sa Madrid, Spain simula noong 2003.

Ang Madrid Fusion Manila ay nahahati sa tatlong bahagi:

  • International Gastronomy Congress
  • International Gastronomy Expo
  • Flavors of the Philippines

Maraming mga malalaking pangalan sa larangan ng culinary art sa buong mundo ang dumarating sa Pilipinas para lumahok sa ganitong klaseng pagtitipon.

Ano ang Layunin ng Madrid Fusion Manila?

Layunin ng Madrid Fusion Manila na mapanatili ang culinary art sa buong mundo habang isinasaalang-alang ang mga limitasyon ng kapaligiran. Layunin din nito na mapag-ibayo ang mga cultural traditions habang nagbibigay kasiyahan sa mga kagustuhan at pangangailangang pang-kulinarya.

Ang Madrid Fusion Manila din ay isang platform o pagtitipon para sa isang makabuluhang diskusyon para sa kinabukasan ng pagkain at kulinarya sa mundo. Ito ay isang paraan para makahimok ng pagbabago o innovation sa culinary art.

Magandang lugar ang Pilipinas para sa ganitong pagtitipon sapagkat marami tayong natural attractions at mayaman  tayo sa kultura. Ganun din, maraming kakaibang halaman at hayop sa bansa, di lamang sa lupa kundi sa dagat man.

Kailan Nagsimula ang Madrid Fusion Manila?

Ang kasunduan ng Philippine government at Spanish organizers ng Madrid Fusion ay nilagdaan noong 2014 sa Spain. Ang kontrata ay tatagal ng limang taon at matatapos sa 2019.

Ngunit, hindi yata binigyan ng halaga ng rehimeng Duterte ang ganitong napakalaking pagtitipon. Ayon kay Cesar Montano, “Many are of the impression the government is spending so much money promoting other cultures.

Ano ang Kahalagahan ng Madrid Fusion Manila?

Ayon sa artikulo ni Margaux Salcedo, tatlong bagay ang ginagampanang papel ng nasabing taunang pagtitipon:

  • Paglalagay ng Pilipinas sa pangdaigdigang mapa ng culinary players
  • Pagpapakilala ng ilang Filipino chefs sa buong mundo
  • Pag-eenganyo ng mga aspiring chefs sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mga kilalang chefs sa buong mundo na dumarating sa pagtitipon

Napansin ang Pilipinas sa mundo ng culinary arts nang piliin ng Espanya ang Manila kesa sa iba pang culinary giants sa Asya.

Noong 2015, nakilala ng buong mundo sina Margarita Fores at Chele Gonzalez bilang movers ng Madrid Fusion Manila. Noong 2016, naging “Asia’s Best Female Chef” si Margarita Fores. Dahil sa collaborative dinners ni chef Chele, nakilala sya ng international press and jurors at nakasama ang kanyang restaurant sa “Asia’s 50 Best Restaurants” noong 2016 at 2017.

Dahil sa Madrid Fusion Manila, nagkaroon ng instant book signing ang The Kitchen Bookstore kasama si Jordi Roca sa isang Madrid Fusion event. Masyadong mahal ang pag-iimbita sa isang tulad ni Jordi Roca para sa isang book signing.

Ganun din, naipakilala ng Department of Agriculture sa buong mundo ang mga ingredients o sangkap na tanging sa Pilipinas lamang matatagpuan. Nae-expose din ang mga Pilipino sa mga delicacies ng Spain at natuto tayo ng mga bagay bagay tungkol sa hamon, paella, brandy, etc.

Ano ang Ipapalit ni Cesar Montano sa Madrid Fusion Manila?

Sabi ni Cesar Montano, nakipagtulungan ang rehimeng Duterte kay Linda Legaspi ng Marylindbert International para mas mapalawak at mapaganda ang Karinderya Fiesta na napasimulan na ni Legaspi noong 2011.

Ang Karinderya Fiesta ay naglalayong bigyan ng panibagong pakahulugan ang karinderya para maging “Innovative, dynamic, and relatable.” Ito ay gaganapin sa April 11 sa SMX.

Ang Layo Naman ng Madrid Fusion Manila sa Karinderya Fiesta

Unang una, makikita natin ang takbo ng pag-iisip ng mga tao sa rehimeng Aquino at rehimeng Duterte. Sa rehimeng Aquino, global na kung mag-isip. Pagsasama o pakikipagtulungan ng bansa sa iba’t ibang mga bansa. Gaya ng Madrid Fusion Manila. Ito ay proyekto ng Pilipinas at ng Spain. Ang rehimeng Duterte, nasa karinderya pa rin.

Pangalawa, I beg to disagree with Cesar. Hindi naman pagpo-promote ng ibang kultura ang Madrid Fusion Manila. Maraming mga world renowned chefs ang bumibisita sa bansa para sa nasabing pagtitipon. Nasa sa rehimeng Duterte na lamang kung paano nila mapo-promote ang Pilipinas sa captive audience na ito.

Ganun din, nailatag ko na rito kung para saan ang Madrid Fusion Manila. Maliwanag naman ang mga bentahe na makukuha ng Pilipinas ditto.

Pangatlo, parte ng ating kultura ang kulturang Espanya dahil mahigit 300 taon tayong sinakop ng mga Kastila. Kaya nga, hindi naman yata kapani-paniwala na napo-promote lamang ang kulturang Espanya rito dahil parte rin ang kulturang ito ng ating kultura.

O sya sige! Ibigay ang hilig. Mag-Karinderya Fiesta si Cesar Montano and while he’s at it, isabay na rin nya ang Ukay Ukay Expo! Winner yan! Hahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *