Cayetano: Saan Humuhugot ng Kapal ng Feslak?

Cayetano: Saan Humuhugot ng Kapal ng Feslak?

Di pa rin magre-resign kahit obvious naman na sobrang palpak sa DFA? Shameless!

APC: Masayang Aalis sa Pwesto KUNG Gusto ni Duterte

 

In short, walang planong mag-resign si Alan Peter Cayetano bilang DFA Secretary. Si Digong lang ang pwedeng makapagtanggal sa kanya sa pwesto. Kapal ng feslak!

Ayon kay Cayetano, “If the President wants me to go, I will go happily and I will continue to support him. If a majority in the Department of Foreign Affairs says, ‘we cannot follow you,’ I have no business being there.

Dagdag pa ni APC, “But so far, I have had meetings with them and, so far, they understand. They might not necessarily agree with our direction, but they understand.”

Normal lang daw ang pagtawag ng pagre-resign. Part of politics.

Pero, dumepensa pa rin. Sabi nya, “But I think you be the judge whether last year, we’ve stepped up or we’ve slacked off in taking care of the concerns of OFWs.”

Ayon kay Cayetano, 38 rescues na raw sa Kuwait ang naisagawa nila. 35 daw dun ang may coordination sa Kuwaiti government. 3 rescues ang ginawa nila immediately at hindi na nakipag-coordinate pa sa Kuwait authorities.

Sabi ni Cayetano, “We did it ourselves which is acceptable, and it is a duty under international law but it was commotion to them. That’s why I said, I apologize if our actions seemed to violate your sovereignty. But let me assure you, it’s in the spirit of protecting our nationals.”

Tatlong Puntos Kung Bakit Pumalpak ang OFW Rescue Mission

 

Wala namang problema ung rescue missions. Talaga namang ginagawa un. Responsibilidad ng DFA un na siguraduhing hindi naaabuso ang mga OFWs sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ang problema, bakit sila nag-video? Bakit may nakahandang presscon? Bakit andun si Mocha?

Sa pagpapa-video nila ng rescue operation, inilagay nila sa balag ng alanganin ang relasyon ng Kuwait at Pilipinas. Dahil sa ginawa nila un nang walang coordination tapos nag-trending pa, ipinapakitang hindi cooperative ang Kuwait sa mga rescue missions, which is not true. Ipinahiya ng DFA ang Kuwait, ganun un.

Tapos, may presscon pang nakahanda! Binasag nyan ang alibi nina Cayetano na madalian ang desisyon dahil may mga sinasaktan o inaabusong OFW na kelangang iligtas from their employers. Saan ka naman nakakita na may sense of urgency pero nakuha pang maplano ang presscon?

At bakit andun si Mocha? Itinaon bang andun si Mocha o pinapunta pa sya sa Kuwait?

Inconsistent na kasi ang video, presscon, at presensya ni Mocha sa sinasabi ni APC na may sense of urgency ang rescue at di na nakapaghintay pa sa Kuwaiti authorities.

Ngayon, kung ayaw pa ring mag-resign ni Alan Peter Cayetano, isa lang naman ang ibig sabihin nya: KAPAL NG FESLAK NYA?!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *