Catholic Nun Mananzan Suportado ang SOGIE Bill

catholic nun mananzan

Ayon kay Catholic nun Mananzan, walang special rights sa SOGIE bill at suportado nya ang pagsasabatas nito.

Suportado ni Catholic nun Mananzan ang SOGIE Equality bill

Dinepensahan ni Sister Mary John Mananzan ang panukalang Sexual Orientation and Gender Identity or Expression (SOGIE) Equality Bill. Ayon sa kanya, di naman binibigyan ng special rights ang mga lesbian, gay, bisexual, at transgender (LGBT) community sa panukalang batas na ito.

RELATED: SOGIE Equality Unang Isinulong ni Miriam

Sinasabi lamang ng SOGIE bill na pareho lamang ang karapatan ng lahat at angkop din ang mga ito sa LGBT community.

Ayon kay Sister Mananzan sa Senate hearing tungkol sa panukalang batas, naniniwala sya sa respeto, pakikiramay, at paggalang sa lahat ng tao dahil ang lahat ay ginawa nang ayon sa imahe at pagkakahawig sa Diyos.

Habang di matapos tapos ang diskusyon hinggil sa sexual orientation, di naman dapat pagdebatehan na marami ang biktima ng diskriminasyon dahil lamang mas pinili ng ilang tao na malaya nilang ipahayag ang kanilang pagkakakilanlang pangkasarian.

Ayon din kay Catholic nun Mananzan, hindi naman hihiling ng pantay na pagtrato ang mga straight men dahil di naman sila biktima ng diskriminasyon kaya dapat mas bigyan ng pansin ang mga tunay na biktima.

SOGIE BILL suportado rin ng Aglipayan Church

Ayon kay Koko Alviar ng Iglesia Filipina Independiente o Aglipayan Chuch, suportado nila ang SOGIE Equality Bill dahil naniniwala sila sa ganap na katuparan ng karapatang pantao bilang paraan sa pagkakaroon ng langit sa lupa.

Naniniwala si Alviar na ibig ng Panginoon na mamuhay tayo sa isang komunidad ng pag-ibig. Si Alviar ay isang bakla.

Mahalin ang makasalanan, sabi ng mga anti-SOGIE na mga Kristyano, ngunit paano natin sasabihing mahal natin ang mga makasalanan kung ayaw naman nating ibigay ang mga karapatang pangsekular sa trabaho, edukasyon, at kalusugan?

Suportado rin ni Duterte ang pagpasa ng SOGIE bill.

Heart Evangelista suportado ang SOGIE bill

Muling ipinahayag ni Heart Evangelista ang kanyang suporta sa LGBTQIA+ community at hiniling ang pagpasa ng SOGIE Equality bill sa kanyang social media post.

Sa isang post sa kanyang Instagram, hinimok nya ang kanyang mga tagasuporta na suportahan din ang pagpasa ng nasabing bill sa SENADO.

Ayon sa kanyang post, “Equality is everything. I am #ComingOut4Equality to support the SOGIE Equality Bill to protect the rights and welfare of the LGBTQ+ community. A little goes a long way. Our support means the world.”

heart evangelista sogie

Source: Heart Evangelista’s Instagram

Nagtatangi ang SOGIE Bill, salungat sa sinabi ni Catholic nun Mananzan

Kahit naman suportado ng Pangulo ang panukalang batas, inaasahang mahihirapan itong maipasa sa Senado dahil sa maraming konserbatibong grupo ang humaharang sa pagpasa nito.

Ayon kay Lyndon Caña ng Coalition of Concerned Families of the Philippines, hindi sila galit sa LGBT community. Hindi sila payag sa bashing na natatanggap ng komunidad ngunit nababahala at tumututol sila sa SOGIE bill. Umaasa sya na ang kanyang mga tinuran ay di magkaroon ng maling interpretasyon bilang pagkamuhi sa LGBT.

Ayon sa kanya, walang binabanggit sa panukalang batas sa ibang sektor na maaapektuhan nito kaya one-sided ito. Nababahala ang grupo na magiging krimen ang naninindigan sa katotohanan.

Ayon naman kay Cesar Buendia na kumakatawan sa mga dating homosexuals na binago ng Panginoong Hesus, binibigyan ng karapatan ng panukalang batas ang mga mamamayan base sa pandama, paniniwala, at kaisipan. Delikado ito.

Naniniwala si Buendia na dalawa lamang ang kasarian at ang panukalang batas ay nag-discriminate sa mas maraming Pilipino.

Ayon naman kay Senator Risa Hontiveros na nagsusulong ng SOGIE Equality Bill, ang layunin ng pagkakaroon ng Senate hearings hinggil sa panukalang ito ay para makapagpasa ng batas na nagpoprotekta sa lahat.

Ang bawat nilalang ay may kanyang sariling SOGIE at layunin ng panukalang batas na bigyang proteksyon ang lahat laban sa diskriminasyon.

Ayon naman kay Obed Dela Cruz ng Intercessors for the Philippines, di na kailangan ang bataas dahil maraming batas na ang nagpoprotekta sa karapatan ng tao.

Ano ang kahihitnan ng SOGIE Equality Bill sa Senado?

Nakakuha ng kakampi ang mga konserbatibong grupo kay Senate President Tito Sotto na nagsabing malabong maipasa ang nasabing panukala sa Senado.

Ayon kay Sotto, hindi kailanman magiging babae ang isang lalake kahit na anuman ang gawin nito dahil di ito manganganak dahil wala syang obaryo. (Ang baba naman ng tingin mo sa kababaihan. Manganak lang ang silbi nila sa mundo? – Patolang Pilipina)

RELATED: Taguiwalo: Ang Karapatan ay Di Dapat Paghatian

Para kay Senate President, ang SOGIE bill ay isang panukalang batas kontra sa karapatan ng kababaihan. Mas payag pa sya sa Comprehensive Anti-Discrimination Bill na isinumite ni Senator Sonny Angara na nagbabawal ng maraming uri ng diskriminasyon.

Kailangang pinoprotektahan ng estado ang lahat ng mamamayan nito. Ang karapatang pantao ay para sa lahat. Walang puwang ang diskriminasyon kahit anong uring tao ka man sa isang sibilisadong pamayanan.

 

Sources:

Acar, A. (2019, September 4). Heart Evangelista uses social media influence to support SOGIE bill anew. Retrieved from GMA News: Heart Evangelista uses social media influence to support SOGIE bill anew

Placido, D. (2019, September 5). No ‘special rights’ given: Catholic nun supports SOGIE equality bill. Retrieved from ABS-CBN News: No ‘special rights’ given: Catholic nun supports SOGIE equality bill