Cannabis Oil Dala ng DFA Personnel sa Incheon

cannabis oil

Pansamantalang nadetine ang isang tauhan ng DFA sa Incheon airport dahil sa cannabis oil.

DFA nag-iimbestiga sa pagdadala ng cannabis oil ng tauhan

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), iniimbestigahan na nila ang napaulat na pansamantalang pagkadetine ng kanilang tauhan sa Incheon International Airport dahil sa cannabis oil noong August 2.

Inutusan na ang sangkot na tauhan na magsumite ng written explanation kapag natanggap na ang Show Cause Order (SCO).

Ayon sa pahayag ng DFA, kailangan nilang mapanatili ang mataas na standards ng responsibility at accountability sa kanilang mga opisyal at tauhan.

RELATED: DFA Secretary Nakisawsaw sa Bullying Issue, Nambully Din!

Nagbakasyon panandalian ang nasabing tauhan sa South Korea. Pabalik na sya sa Manila nang mapigil sya sa Incheon airport.

Padala lamang ang nasabing cannabis oil ng isang kasamahan. Nakiusap lamang ang Philippine Embassy sa Seoul kaya sya napayagang makabalik sa bansa.

Legal sa South Korea ang paggamit ng CBD para sa medical purposes, ngunit mahigpit ang Ministry of Food and Drug Safety (MFDS) para siguraduhing mga pasyente lamang ang magkakaroon nito.

Kaya, ilegal at krimen pa rin sa nasabing bansa ang pag-angkat nito nang walang dokumento.

Sa Pilipinas, ilegal ang pagkakaroon ng marijuana resin oil o marijuana resin, ngunit ang sinumang pasyente na nangangailangan nito para sa medical purposes ay kailangang kumuha ng special permit mula sa Food and Drug Administration (FDA).

Hindi naman nagkulang ang DFA sa pagpapaalala sa mga Pilipino na iwasan ang “padala” system dahil maraming insidente nang nabibiktima ang mga overseas Filipino workers (OFWs) ng mga international drug syndicates dahil sa pagiging drug mules nila.

RELATED: DFA to UN Special Rapporteur: Paki-Explain. Labyu!

Hindi naman pinangalanan ng DFA ang sangkot sa isyu ayon na rin sa panuntunan ng Civil Service Commission (CSC). Ilalathala lamang ang pangalan kapag nakasuhan na ito nang pormal.

Maging maingat lamang lalo na kung nasa ibang bansa. Alamin ang mga bawal at di bawal para walang aberya. Gaya nyan, nadetine dahil sa cannabis oil. Minsan, simpleng pag-alam lang, di pa magawa.

 

Source:

Mabasa, R. (2019, August 9). DFA conducts probe on reported detention of personnel at Incheon airport for possession of cannabis oil. Retrieved from Manila Bulletin: DFA conducts probe on reported detention of personnel at Incheon airport for possession of cannabis oil