Bus Dispatch Scheme sa Edsa Isinusulong

bus dispatch scheme

Habang nagpapatutsadahan sina Tugade at Poe, isinusulong naman ang bagong bus dispatch scheme.

Sarmiento nagsumite ng panukalang blueprint ng bus dispatch scheme

Nagpanukala si House Transportation Committee Chairperson at Samar First District Representative Edgar Mary Sarmiento ng isang blueprint para sa isang centralized at synchronized na bus dispatch system para masolusyunan ang problema sa EDSA traffic.

RELATED: EDSA Traffic Di Solusyon ang Emergency Powers

Si Sarmiento ay isang civil engineer at naniniwala sya na ang kanyang plano ang syang magpapabago sa magulo at maligalig na city buses sa isang mabilis, mahusay, at predictable na sistema ng mass transport system.

Sa ilalim ng plano ni Sarmiento, ang pinakaloob na linya sa EDSA ang syang magiging express bus lane para sa mga pasahero ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT 3) stations. Ang bus lane na ito ay magpapalibot sa EDSA at babaybay sa ruta ng MRT 3.

Ang mga bus dito ay magsasakay at magbaba ng pasahero kasabay ng sistema ng MRT stations dahil sila’s mga extension lamang nito. Ayon kay Sarmiento, walang magiging traffic doon dahil ekslusibo lamang ang lane na ito para sa mga bus na nagseserbisyo sa mga sumasakay ng MRT.

bus dispatch scheme

Ang tatlong lane naman sa gitna ng EDSA ay para sa mga pampribadong sasakyan at susunod pa rin sa number coding scheme. Pwede lamang sila gumamit ng outer lane kung liliko.

Samantala, ang pinakagilid na lane naman o ung tinatawag na yellow lane ay para sa ekslusibong paggamit ng city buses na susunod din sa panukalang bus dispatch system na may mga bus stop na isang kilometro ang pagitan.

Ang express bus lane ay mula sa Valenzuela Integrated Bus Terminal sa hilaga at Parañaque Integrated Bus Terminal sa timog. Ang mga city bus ay sumusunod sa schedule at aalis ng terminal puno man o hindi.

Ang mga drayber at konduktor ay swelduhan na at di na commission-based kaya di na sila makikipag-agawan sa mga pasahero.

Isinusulong ni Sarmiento ang kanyang panukala matapos ang kanyang konsultasyon sa Department of Transportation (DOTr) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Bukas naman sya sa anumang pagbabago sa kanyang plano.

Isinusulong din nya ang paggamit ng kanyang bus system sa ilang malalaking daan sa Metro Manila. Ayon kay Sarmiento, posibleng mahikayat ang mga may-ari ng pampribadong sasakyan na gumamit na lamang ng pampublikong transportasyon kung maayos naman ang pagpapatupad ng kanyang bus system.

RELATED: EDSA Traffic: Paano nga ba Sosolusyunan?

Habang hinihintay pa ang kahihinatnan ng hinihiling na emergency powers ni Duterte para solusyunan ang problema sa Metro Manila traffic, bakit di ipatupad ang panukalang bus dispatch scheme?

Source:

 

Roxas, P. V. (2019, September 13). Solon offers ‘centralized, synchronized’ bus dispatch scheme on Edsa. Retrieved from Inquirer: Solon offers ‘centralized, synchronized’ bus dispatch scheme on Edsa