Bong Go: Pambansang Photobomber Kahit sa Kamatayan ni Ed Angara

Saan humuhugot ng kapal ng feslak ang isang Bong Go! Ay! Nangangampanya nga pala!

Pambansang Julalay ni Duterte, Epalogs na Naman?!

Desperado na sa atensyon si Bong Go. Pati ba naman kamatayan ni dating Senador Edgardo Angara, sinakyan pa talaga?

Umeksena si Bong Go sa pagdating ng mga labi ng dating Senador sa Villamor Air Base noong Linggo. Sya rin ang nagpadala ng mga litrato sa media. Dinala ng helicopter ang mga labi ni Angara mula sa kanyang tahanan sa Tagaytay papuntang Manila.

Sa isang interbyu ni Bong Go, “So naabutan ko po doon at sumakay na lang po ako at sumama ako doon sa Villamor at doon po at sinalubong ng kaniyang may bahay at eldest daughter niya po. Naabutan ko po, nakatabi ko pa po iyong katawan niya.”

Sabi pa nya, “Actually po nasabi ko na po sa kaniya kanina at naiparating ko na po kay Ginang Angara ang pakikiramay ni Pangulong Duterte at sa kaniyang anak kanina, nabulong ko na po noong nag-landing po iyong helicopter.”

Source: DZBB Super Radyo Twitter

Ibang klase kakapalan ng feslak! Private moment un ng mga namatayan. Di kelangan ang pictures. At talagang galing sa kanya ang pictures ha?!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *